Alden Richards na-shock nang malamang na-fall sa kanya si Mikee Quintos | Bandera

Alden Richards na-shock nang malamang na-fall sa kanya si Mikee Quintos

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Alden Richards na-shock nang malamang na-fall sa kanya si Mikee Quintos

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 09:46 AM

Alden Richards na-shock nang malamang na-fall sa kanya si Mikee Quintos

IKINAGULAT ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang naging rebelasyon ni Mikee Quintos tungkol sa naging tunay na feelings nito sa kanya.

Matapang na inamin ni Mikee on national TV na totoong nagkagusto siya sa aktor noong ginagawa nila ang seryeng “The Gift” na umere sa GMA 7 noong 2019.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last week ay natanong si Mikee kung totoo bang na-fall siya kay Alden habang umeere noon ang Kapuso primetime series na “The Gift”.

“Nakilala ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung sweet siya, na mabait siya, kung gaano ka genuine, sobrang God-fearing.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

“And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn’t explain it,” ang rebelasyon ng aktres.

Kaya naman kahapon, sa interview ni Boy Abunda kay Alden sa “Fast Talk” ay nahingan ng reaksyon ang binata sa naging pag-amin ni Mikee.

“Ngayon ko lang po siya narinig. Actually nagulat po ako,” ang simulang sagot ng award-winning Kapuso actor.

Inamin naman niya na totoong naging close sila ni Mikee sa “The Gift” pati na rin ang isa pa nilang co-star na sa serye na si Mikoy Morales. Sa kuwento ng naturang teleserye ay gumaganap na magkakaibigan ang tatlong Kapuso stars.

“Ako po kasi ang understanding ko at the context of friendship,” ang paliwanag ni Alden sa closeness nila ni Mikee. Hanggang ngayon daw ay nananatili silang magkaibigan ng dalaga.

Hanggang ngayon ay single pa rin si Alden habang maligaya na si Mikee sa piling ng kanyang boyfriend na si Paul Salas.

Nauna rito, diretsahan namang inamin ni Alden na nagkagusto siya noon kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, at totoo ring na-fall siya sa dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Tanong ni Julia kay Alden nang kunin siyang leading lady sa ‘Five Breakups and A Romance’: ‘Bakit ako? Bakit sa akin ka tumaya?’

Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending