Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero… | Bandera

Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero…

Pauline del Rosario |July 14,2023
facebook
share this

Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero…

Pauline del Rosario - July 14, 2023 - 10:28 AM

Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero…

Bea Alonzo, Alden Richards

NAGKAROON ng “misunderstandings” o hindi pagkakaunawaan ang aktres na si Bea Alonzo at aktor na si Alden Richards kaya hindi natuloy ang pagtatambalan sana na proyekto.

Ito ang naging rebelasyon mismo ni Bea matapos ma-interview sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong July 13.

Kung maaalala, nagsimula ang “tampuhang issue” ng dalawa artista matapos lumabas ang blind items na kung saan may dalawang kilalang personalidad na ayaw nang makatrabaho ang isa’t isa.

Dahil diyan, marami ngang naghinuha na baka sina Bea at Alden ang pinatutungkulan ng mga ito.

Baka Bet Mo: Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Anyway, diretsahan na ngang inusisa ng King of Talk na si Boy Abunda si Bea patungkol sa nasabing isyu.

Tanong niya sa Kapuso star, “Truth or lie: Nag-away kayo ni Alden?” 

Sagot naman ni Bea, “Truth, but actually lie kasi hindi kami nag-away. Nagkaroon kami ng sama ng loob but hindi kami nag-away.”

Sinundan naman ito ng follow-up question ni Tito Boy kung ito ay nag-ugat sa isang “professional problem.”

Sey ng aktres, “It kind of was. I guess It’s also because we have different backgrounds [in terms of being artists].”

Nilinaw pa ni Bea na kahit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Alden ay agad naman daw nila itong naayos.

“I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set. But we were able to talk about it,” kwento ni Bea.

Patuloy niya, “I remember we were on the plane going to Davao while we were promoting ‘Start-Up PH,’ like pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out.” 

Magsasama sana ang dalawa sa Pinoy remake ng Korean TV series na pinamagatang “A Moment To Remember.”

Ngunit noong Mayo lamang ay sinabi ni Bea na conflict ito sa kanyang schedule kaya hindi na siya makakasali sa nasabing serye. 

Dahil diyan, ang pumalit kay Bea ay ang aktres na si Julia Barretto.

Related Chika:

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending