Mikee Quintos, Paul Salas nabiktima ng crypto group: 'P8-M yung itinakbo nila!' | Bandera

Mikee Quintos, Paul Salas nabiktima ng crypto group: ‘P8-M yung itinakbo nila!’

Ervin Santiago |October 03,2023
facebook
share this

Mikee Quintos, Paul Salas nabiktima ng crypto group: ‘P8-M yung itinakbo nila!’

Ervin Santiago - October 03, 2023 - 12:26 PM

Mikee Quintos, Paul Salas nabiktima ng crypto group: 'P8-M yung itinakbo nila!'

Mikee Quintos at Paul Salas | Photo from GMA Integrated News

NABIKTIMA ng sindikato ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas na natangayan umano ng P8 million.

Nagsampa na ng kasong estafa ang magkarelasyon laban sa isang grupo na nagpapatakbo ng isang cryptocurrency group sa Makati City Prosecutor’s Office.

Kasama ang pito pang biktima ng sindikato, kinasuhan nina Mikee at Paul ang apat na indibidwal sa paglabag sa Presidential Decree No. 1699 o Syndicated Estafa in relation to Articles 315 and 316 of the Revised Penal Code.

“I think that’s their modus din na aalagaan ka muna nila, papaniwalain ka nila na okay ‘yung transactions with them.

“Until when you give a sufficient amount na or big amount na, more or less P8 million ‘yung nakuha nila sa amin, eh. Tinakbo na nila,” ang pahayag ni Mikee sa panayam ng GMA 7.

“This is syndicated estafa so this is life imprisonment. So sayang din naman. This is no bail. Like I said, sayang din naman, kawawa din naman sila, mga bata pa sila,” ang sabi naman ni Atty. Lance Tan, ang legal counsel ng magkasintahan.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

Bukas naman daw ang kampo ng Kapuso couple sa posibleng settlement sa mga taong kinasuhan nila na ang Ilam ay mga estudyante pa.

“Initially, we just want to let the school know. And then we’ll let the school act on it kung paano ‘yung appropriate na sanctions or actions that they’re going to take,” sabi pa ng abogado.

Nabanggit din ni Mikee na dalawang bonggang deal ang in-offer sa kanila ng grupo, “The first was compounding monthly of 5% kung magkano ‘yung ipapasok mo. Depende sa iyo ‘yun. May ledgers pa and everything.

“Tapos doon sa short term ‘yun nga ‘yung deal na kinuwento ni Paul na two weeks lang ‘yung holding time, babalik na.

“Eh, dumating na ‘yung two weeks, delay, delay, delay. We gave them a chance na mag-revert sa amin pero wala talaga,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Nagbigay naman ng mensahe si Paul sa mga kinasuhan nila, “Ito’y pagbibigay warning lang na huwag masyadong magtiwala agad kasi pinaghihirapan natin ‘yung pera na ito.

“So bigay awareness lang din na let’s sleep on it, di ba, pag-isipan ang investments, huwag masyadong luwagan,” sey pa ng hunk actor.

Related Chika:
Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending