Hirit ni Alex Diaz kay Ogie: Bakit ang dami mong anak? Bakit parang playboy ka?
MASARAP kausap si Alex Diaz dahil marami siyang kuwento tungkol sa sarili niya — mga naranasan sa showbiz, iba pang plano niya sa buhay at kung anu-ano pa.
Base ito sa napanood naming panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz na uploaded na sa YouTube channel nito.
Dedma pala si Alex sa mga isyung ikinakabit sa kanya noong hindi pa siya nag-a-out bilang miyembro ng LGBTQIA+ community at ang intriga noong nagkasabay silang dumating ni Tony Labrusca at naispatan sa NAIA.
Katwiran ni Alex, “Go lang para sumikat ako lalo.”
Natawa naman si Ogie sa sinabing ito ng aktor na bida sa Vivamax movie na “Pa-Thirsty” na idinirek ni Ivan Andrew Payawal produced ng IdeaFirst for Viva Films.
Dagdag ni Alex, “Go lang para may intriga lalo. Good Publicity, bad publicity is still publicity. Pero sa industriya natin pag hindi ka pinaghihinalaang bakla hindi ka sisikat.”
Humalakhak naman nang todo ang kilalang talent manager at content creator sa sinabi ni Alex.
Naisip din namin na makes sense ang sinabing ito ni Alex, oo nga ‘yung mga napaghihinalaang gays ay sila ang namamayagpag ngayon sa showbiz.
Kinumpirma naman ito ni Ogie na noong araw pa ay ganito na ang panuntuhan sa showbiz industry na kailangang matsismis kang bakla o bading para sumikat.
“Kasi tine-test nila ang patience mo kung hanggang saan. Tine-test din nila kung bibigay ba ito o hindi,” sabi ni Ogie kay Alex.
Say naman ng aktor, “Pero may subconscious na pilit na magkadyowa ka para mapakitang straight ka or something like that.”
Masasabing suwerte ang pag-amin ni Alex na isa siyang bisexual dahil napansin siya sa project na ginawa niya sa USA.
“Buong pandemic nag-o-audition ako sa Hollywood via self taped and then last July (2021) natanggap ako sa isang musical (movie), it’s called ‘Glitter and Doom’ and I went to Mexico for two months, nag-shoot ako ng movie do’n. And yeah that won’t happen kung hindi ako nag-out,” kuwento ng aktor.
May tanong ba si Alex sa industriya na hindi pa raw nasasagot, sumunod na sabi ni Ogie. Nagulat kami sa reply ng aktor, “May tanong ako sa ‘yo bakit ang dami mong anak? Curious lang ako kasi, di ba, parehas tayong LGBTQ, di ba? I consider myself bisexual or I don’t believe in genders but I feel like I carry myself closer to my masculine side and then Mama Ogs ‘yung tawag ko sa ’yo or tawag nila sa ’yo.
View this post on Instagram
“Bakit parang ano ka, playboy? Ha-hahaha! Ang dami mong naging anak. Ang bilis mag-swim ng sperm mo! Paano nangyari ‘yun! Inform mo naman ako bilang magkapamilya tayo,” hirit ni Alex kay Ogie.
Sagot naman ng vlogger, “Siyempre merong babaeng na-in love, so, sinamantala ko. Ganu’n ‘yun.”
“Lahat po ng mga anak mo sa isang babae?” tanong ulit ni Alex.
“Yes,” sabi ng komedyante.
At ang komento ni Alex, “Ang masasabi ko lang, sana all. Sana all active ang sex life.”
Biro naman ni Ogie, “Lahat girls (anak niya). Kasi nu’ng araw all boys (gusto niya), charot! Sabi nila life is a choice, so, choice kong magkaroon ng sarili kong pamilya. Hindi dahil pagtanda ko gusto ko may aakay sa akin, laos na ‘yung ganu’n (katwiran).”
Nasambit pa ng content creator na kapag wala na siya sa mundo ay maaalala pa rin siya dahil sa mga anak niya na magpapatuloy ng pangalan niya.
At dito inamin ni Alex na isa si Ogie sa idolo niya sa showbiz industry dahil, “Hindi po kayo conventional na tao, lahat ng meanings of the word sa choices mo sa buhay. Pinili mong magkaanak na wala kang paki sa sasabihin ng tao na kung huhusgahan mo ako, dadamihan ko ‘yung anak ko, mahal ko ‘yung mga anak ko and I’m sure okay pa rin kayo ng asawa mo.
“Parati ko ring sinasabi sa mga nagtatanong sa akin na if they don’t create a space for you at the dinner table, make your own table. Hindi mo kailangang makibagay,” aniya pa.
Dito tinanong ni Ogie kung may plano ring magkaroon ng pamilya ni Alex pagdating ng araw.
“’Yan ‘yung million dollar-question na tinatanong sa akin lagi. Ini-entertain ko lang na kapag hindi ka na-identify as straight, agad-agad tinatanong, so Bi (sexual) ka, gusto mong magkaanak? Or babae ka ba sa relationship o lalaki? Kapag may girlfriend ako babae siya, kapag may boyfriend ako, lalaki kami pareho.
“(Tungkol) sa anak it’s like my parents are divorced, so, I’m still on this journey of self-discovering. So, paunti-unti kong nakikilala ang sarili ko.
“Ang na-realize ko sa buhay who I really wanna be is my dad. Na-realize ko na lahat ang kaugalian na ni-reject ko na nakita ko sa kanya before. Pero ngayon feeling ko proud na proud ako na parang ako ‘yung dad ko.
“I would love to have a kid, I would love to have a family. Maraming (girls na nagkagusto) akong nasaktan kasi hindi ako marunong. Selfish pa ako sa point ng buhay ko na to, para sa akin gusto kong makamtan ‘yung masasabi kong financial security bago ako magdagdag pa ng tao sa buhay ko,” mahabang paliwanag ni Alex.
Isa pang dahilan kung bakit ayaw pa niyang magkaroon ng pamilya ay gusto muna niyang sulitin ang natitirang panahon ng tatay niyang 78 years old na.
https://bandera.inquirer.net/303159/alex-may-b-day-pasabog-only-time-i-can-post-this-nang-di-magagalit-si-mister-pagbigyan-na
https://bandera.inquirer.net/290907/alex-gonzaga-may-payo-sa-mga-aspiring-vloggers
https://bandera.inquirer.net/289586/long-mejia-naisahang-muli-si-ogie-diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.