Andrea hindi nagpatumba sa mga pagsubok, Rei Tan bumilib: Ibang klase ang katapangan niya! | Bandera

Andrea hindi nagpatumba sa mga pagsubok, Rei Tan bumilib: Ibang klase ang katapangan niya!

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 07:57 AM

Andrea Brillantes at Rei Anicoche Tan

KUNG may isang youngstar ngayon sa mundo ng showbiz na talagang binabagyo ng blessings at swerte, yan ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Bukod sa hindi siya nawawalan ng mga projects sa ABS-CBN ay nagsunud-sunod din ang kanyang mga endorsements at TV commercial ngayong 2021.

Grabe rin ang presence niya sa social media at iba pang digital platforms kaya naman mas lalo pang dumarami ang kanyang fans at online supporters and followers.

Sa ginanap na media launch kamakailan kung saan pormal na ipinakilala si Andrea bilang bagong brand ambassador ng Beautederm Corporation na pag-aari ni Rei Anicoche Tan, napag-usapan ang pagiging influencer ng dalaga.

Sa mura niyang edad, matindi na rin ang hinarap na mga pagsubok ng young actress ngunit talagang lumaban siya at hindi nagpatalo sa mga kanegahan ng buhay.

Isa rin siya sa mga young celebrities na nabibiktima ng pambu-bully sa socmed kaya naman natanong siya kung ano ang advice niya sa mga kabataan na dumaranas ng anxiety at depresyon dulot ng negative effect ng socmed.

“Social media detox can really help. Kasi minsan, hindi natin alam kung gaano na tayo naaapektuhan ng social media ngayon, e.

“Kasi naiintindihan ko, wala naman tayong magagawa. Nasa sa kuwarto lang tayo. Ano pa ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter,” pahayag ng dalaga.

Aniya pa, “We can workout, we can read books, we can talk more with our family members. Alam mo, may time tayo sa ating fans. We can create a new hobby, we can learn a new instrument.

“Kasi sometimes, ang social media, if it’s used in a good way, magiging maganda. Pero madalas kasi, hindi natin nakokontrol, e.

“Dahil dali-dali lang mag-type, ang daling magsabi ng negative comments sa kapwa. Kaya ang best advice ko is iwas na lang din, and alam ko naman, low-key tayo ngayong pandemic.

“So, it’s very important to keep close contact with your friends to keep you sane, and to your family members,” chika pa ni Andrea.

Kasunod nito, inamin ni Andrea na dumating din siya sa puntong halos sumuko na siya sa mga pagsubok, “Actually, it was never almost I gave up. I wanted to, but I kept on fighting.

“It was mostly my mom who wanted me to give up. Kasi, siya na yung nahihirapan para sa akin. Pero ako yung inilalaban na, ‘Hindi, e. Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years old.’ And artista na ako noong seven years old ako.

“So, ito lang yung alam ko sa life. Ito, dito ako lumaki. Ito yung buhay ko. So, kahit pabigay na ako, inilaban ko pa rin talaga,” aniya pa.

“And kung meron man isang bagay na pinaka-grateful ako, sa lahat ng dumating sa akin, is yung strength siguro na meron ako.

“Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi ako bumigay. Kasi, kung nag-give up ako, hindi ko rin mararating kung anong meron ako ngayon.

“At gusto ko rin magpasalamat siyempre sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin. Sa mga kaibigan ko na pinalakas ako, and of course, sa Diyos.

“At nagpapasalamat ako dahil pinagdaanan ko pa rin ang lahat ng pinagdaanan ko. Kasi, kung hindi yun, hindi ako magiging kung sino ako today.

“At nari-realize ko kasi na lahat ng dumating sa buhay ko, meron akong natulungan. Lahat na pinagdaanan ko, meron mga kapwa Gen Z ko na nakikita na, ‘Kung kinaya niya, kaya ko rin.’ So, masaya ako na isang inspirasyon ako sa generation ko,” diin pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


At dahil sa kabaitan, katapangan at pagiging fighter ni Andrea, nagdesisyon ang Presidente at CEO ng Beautederm na si Rei Tan na kunin ito bilang ambassador ng bago nilang mga produkto, ang health boosters na Reiko & Kenzen.

Ayon kay Ms. Rei, bilang magulang, naiintindihan niya ang mga pinagdaraanan ni Andrea, “Kahit din po yung binata at dalaga ko, parang ayaw na pong mag-aral, dumating sila sa point na ganu’n.

“Kaya kinuha ko si Andrea para maging voice ng kabataan. Kasi, magse-set siya ng good example para sa kanilang lahat. Siya yung gusto kong kunin para ma-reach ko yung market na yun,” sabi ng matagumpay na negosyante 
.
Reaksyon naman ni Andrea, “Tagahanga po ako ng Beautéderm na isang kumpanya na maraming natutulungang tao and it is such a dream come true for me now that I am officially part of the family. 

“A well-balanced and healthy lifestyle are very important to maintain nowadays and honored ako na napili ako ni Ms. Rei para i-represent ang kanilang mga health Boosters,” chika pa ni Andrea.

https://bandera.inquirer.net/289906/andrea-ilang-beses-nang-nagbalak-mag-quit-sa-showbiz-ang-hirap-hirap-lalo-na-kung-breadwinner-ka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294890/andrea-brillantes-kinampihan-ni-ogie-diaz-kahit-saang-larangan-may-plastik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending