Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose? | Bandera

Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose?

Reggee Bonoan |April 15,2022
facebook
share this

Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose?

Reggee Bonoan - April 15, 2022 - 03:08 PM

Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose

KASALUKUYANG nasa lock-in taping si Rayver Cruz para sa serye nila ni Kylie Padilla na “Bolera” at sa huling linggo pa ng Abril siya lalabas.

Nag-post siya ng larawan niyang black and white na ang caption ay, “halfway.”

Almost a month na kasi siya sa taping kaya binibiro siya ng kaibigang si Gerald Anderson na mukhang may bibilhing luxury car ang aktor.

Komento ni @andersongeraldjr, “Bibili ata ng bmw to ah @rayvercruz.”

Sagot naman ni Rayver, “@andersongeraldjr pede po ba mag request sa bday ko my idol leading man Of the century??? Hahaha!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

 

Bukod kasi sa “Bolera” TV series ay may “All Out Sundays” din siya kapag wala siyang taping.

At sa Mayo ay kasama siya sa Canada concert tour nina Sam Milby at Catriona Gray kaya ang saya-saya ni Rayver dahil kahit nasa ibang TV network na siya ay napasama siya sa Kapamilya stars.

Tanong nga ng netizen na si luglio18_1976, “@andersongeraldjr kaka miss na ung kakulitan nyo together with @mr_enchongdee kailan kaya ulit kayo magkakasama sama.”

Noon kasing nasa ABS-CBN pa si Rayver ay silang tatlo nina Enchong at Gerald ang laging magkakasama sa mga show sa ibang bansa kaya marami silang videos at natutuwa ang fans nila.

Hirit naman ng netizen na si jenethpanlaqui, “@rayvercruz pakilala mo naman si Jules sakanila.”

Ang Jules na tinukoy ay si Julie Anne San Jose na ka-loveteam ngayon ng singer/actor sa AOS at itinutukso na rin.

Komento rin ng follower ng aktor na si @men_doradov, “Unting na lang tpos na lock in.. Reunited na ang ating Juliever.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kaka-post lang ni Rayver ng eksenang nagbi-bilyar siya at naka-shoot kaya ang komento ni Julie Anne sa pangalan nitong @myjaps, “Husaaaaay.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

 

Maraming nag-like sa sagot ni Rayver kay Julie Anne, “@myjaps das for u hehehe!”

Hmm, may revelation na ba sa mga susunod na araw?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Rayver Cruz, Julie Anne nagkulitan sa soc med, netizens kinilig: Sana kayo na talaga sa future!

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending