Rayver Cruz, Julie Anne nagkulitan sa soc med, netizens kinilig: Sana kayo na talaga sa future! | Bandera

Rayver Cruz, Julie Anne nagkulitan sa soc med, netizens kinilig: Sana kayo na talaga sa future!

Reggee Bonoan |April 02,2022
facebook
share this

Rayver Cruz, Julie Anne nagkulitan sa soc med, netizens kinilig: Sana kayo na talaga sa future!

Reggee Bonoan - April 02, 2022 - 06:09 PM

Rayver Cruz, Julie Anne nagkulitan sa soc med, netizens kinilig: Sana kayo na talaga sa future!
MUKHANG magaling na ang injured leg ni Rayver Cruz dahil balik lock in taping na siya sa TV series nila ni Kylie Padilla na “Bolera” handog ng GMA 7.

Parehong billiard player sina Rayver at Kylie bagay na pareho silang nakaka-relate dahil naglalaro naman pala sila nito.

Sa kanyang Instagram ay pinost ng aktor ang video na sumargo siya at pasok sa magkabilang butas ang dalawang bola at narinig na may nagsabing, “what a shot.”

Ang caption ni Rayver sa video niya, “Proud student mo ako brother @johannchua31 Kahit panay tawa lang asawa mo @geonakristine hahaha lesgooo #ElSalvador.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

 

Nagkomento naman ang proud kuya ng aktor na si Rodjun Cruz, “Pinapatalon pa! Grabe naman yun King @rayvercruz basic Lang sayo hehe.”

Maging ang kasama rin sa Bolera serye na si Jak Roberto ay napabilib din ni Rayver, “Grabe bro (emoji clapping hands).

Sinagot ito ni @rayvercruz, “@jakroberto hahaha bro ang saya pag nagagawa eh.”

Ayon sa netizen na si @chuesklove, “Lahat ng telent na, hinulog ni God sinalo muna lahat ei.”

Tama naman dahil multi-talented si Rayver marunong kumanta, sumayaw, umarte, may alam sa musical instruments, matangkad, guwapo at higit sa lahat, gentleman at mabait.

Kaya ang sabi ni @ellebaby13, “Grabe talaga si King inspired sobra sa Queen nmin. Proud JulieVer fan here.”

Speaking of Julie Anne San Jose ay nababasa naming may comment siya lagi sa mga post ng aktor tulad ng naggi-gitara muna bago nag-taping.

Sabi ni Julie Anne bilang si @myjaps, “Teach meee.”

Sagot naman ng aktor, “@myjaps no you teach meeee come back na pls pls tnx hahaha!”

May pinost ulit si Rayver na eksenang naglalakad na ang caption niya, “Day 6 #Bolera.”

At dahil nakasimangot ang aktor sabi ni @myjaps, “Smileee.”

Say naman ni Rayver, “@myjaps bwahahaha Ayos dba.”

Susme, nagkagulo na ang supporters ng JulieVer sa mga palitan ng sagot nina Rayver at Julie Anne.

Tulad ni @liebedang, “@rayvercruz Here I go again finding my love life in the love life of another couple. Ang tamis at harutan na wish ko meron din ako sa buhay ko!!! Tataya ako sa ship na to kahit tumandang dalaga na ko pero Julie at Rayver panagutan niyo ako guys ah!!!!”

Say din ni @jenethpanlaqui, “@rayvercruz grabe Sana kayo na talaga sa future! husband and wife magkamuka po kasi kayo.”

At tulad ng iba, kinikilig si @ms.bethywoop, “@rayvercruz at nag send na nga hehe @myjaps kiliggg na naman kami. @rayvercruz grabehan haha iba bumanat e. Cute niyo dalawa @myjaps.”

Sabi naman ni @iamtinsr, “@rayvercruz @myjaps smile reveal naman diyan hehe.”

Naaaliw kami kasi si Kylie Padilla ang leading lady sa sinu-shoot ni Rayver na “Bolera”, pero ang topic sa IG posts niya tungkol sa series ay puro JulieVer supporters na lahat kilig na kilig.

E, pag ganyan, isama na lang sa serye si Julie Anne para tiyak na maraming manonood.

Anyway, mukhang matatagalan pa bago magkita ng personal sina Rayver at Julie Anne dahil hanggang April 24 pa ang lock in.

 

Related Chika:
Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending