Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay | Bandera

Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

Reggee Bonoan |March 11,2021
facebook
share this

Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

Reggee Bonoan - March 11, 2021 - 06:10 PM

“OH my God, it’s so nice!” ang nasambit ng girlfriend ni Rayver Cruz na si Janine Gutierrez nang sa kanya muna ipinakita ng aktor ang bago nitong bahay.

Habang pinanonood namin ang video post ng Mr & Mrs B Moss Design House Manila sa ginawa nilang transformation sa bahay ni Rayver sa loob lang ng tatlong araw ay napapangiti talaga kami dahil alam namin na matagal na itong pangarap ng aktor.

Pero hindi niya kayang iwan ang mama Beth Cruz niya kaya nag-stay siya sa bahay nila sa South pero nu’ng nawala na ang ina at nag-asawa na ang kapatid na si Rodjun ay naiwan sila ng kuya niyang si Omar Ilustre at dito na nagpursige si Rayver na ituloy ang matagal niyang pangarap na bahay.

Nabili na ng aktor ang bahay at lupa last quarter ng 2020 at hindi naman siya makabili kaagad ng mga gamit dahil limitado ang oras lalo’t nasa ilalim pa rin ng GCQ ang Metro Manila bukod pa sa abala rin siya sa mga show niya sa GMA-7 tulad ng “All Out Sundays.”

At sa pagpasok ng 2021 ay naka-lock in taping naman siya para sa teleseryeng “Nagbabagang Luha.”

Gusto na ring tirhan ng aktor ang bahay niya at gusto na rin niyang ipakita ito sa malalapit niyang kaibigan kaya kinomisyon na niya ang Moss Design House para sa interior.

Lahat naman ng gamit na ilalagay ay may basbas ni Rayver at hindi lang niya alam kung ano ang magiging itsura nito kaya pagkalipas ng tatlong araw pagpasok niya ay gulat na gulat siya.

Isinama pa niya ang kanyang girlfriend na si Janine kasama ang nakababatang kapatid nitong si Maxine.

Pagpasok pa lang nina Rayver, Max at Janine sa bahay ay hindi na sila nakakibo lalo na ang aktor na sobrang saya sa nadatnan niyang interior ng bahay.

“Sa daldal kong ito pero pagpasok ko sa loob parang nahilo ako.  Nahilo ako sa tuwa na parang ‘ohh, anong nangyari, nasaan ako?’ parang ganu’n,” masayang sabi ni Rayver habang katabi si Janine na kitang-kitang proud na proud sa kasintahan.

Inilibot ng aktor ang paningin niya sa loob ng bahay niya at talagang hindi siya makapaniwala sa itsura nito, lalo na nang makita niya ang estante kung saan nakalagay ang mga larawan niya noong bata kasama ang ina.

“Ang galing lang nu’ng mga pictures ng idol ko (Kobe Bryant) at si mama. Nakakaiyak na nakakalungkot kasi gusto ko sana nandito siya (mama niya) at nakita niya ito at grabe ‘yun sa pagka-proud sa boys niya,” kuwento ng binata.

“Your dining table is so nice (pati mga upuan),” masayang sambit ni Janine.

“Puwede ba akong umupo?” saad ni Rayver.

“It’s your house,” sabi naman ni Max.

Tumabi naman si Janine kay Rayver na kitang-kita ang sobrang kaligayahan.

“(Gusto ko) sa dining. Ha-hahaha!  Ngayon lang ako nagkaroon ng dining area na ganito,” tumatawang sabi ng binata.

“Congrats B (term of endearment nila),” bati ni Janine sa katipan.

Sunod nilang pinasok ang entertainment room na ayon sa aktor ay sadyang inihiwalay sa living room kaya walang makikitang TV at sound system. Tuwang-tuwa ulit si Rayver sa vintage chesterfield sofa niya at pinaupo si Janine sabay yakap sa tuwa.

“Pagpasok ko, nagulat ako kasi may sungay (ulo ng usa). Hindi masyadong malaki ‘yung entertainment room, naisipan ko lang gawing TV room or tambayan,” paglalarawan ng aktor.

“It’s super nice, it’s cozy sabi nga ni Max, ‘I wanna hangout, I want to stay here na,” nakatawang sabi ni Janine.

Ipinakita rin ang mga shelve kung saan nakalagay ang ilang toy collection ng aktor pati na ang binili niyang Samurai sa Japan.

“Inisip ko, isasama ko ito (samurai), hindi kaya pagtawanan ako (ng designer). Sobrang matagal na, sobrang luma na hindi ko matanggal kasi ‘yan ‘yung first ever Japan trip ko pa mga 10 years ago, buo pa naman,” kuwento ni Rayver.

At pagpasok naman niya sa kanyang kuwarto, “Oh my God! Wow!”

Maging ang magkapatid na Janine at Max ay nagulat at napa-wow na lang. Bumagay kasi sa aktor ang disensyo at kulay nito.

“It’s so nice, it’s like hotel,” sabi ni Janine.

Dagdag pa ng dalaga, “I think my favorite thing is the bed. Ang ganda ng bed and parang minsan under estimate mo ‘yung pagbili ng bed parang simple lang pero ang ganda-ganda ng bed mo and ang ganda nu’ng plane ticket (nilagay sa frame –Cannes Festival).”

“Alam mo ‘yung feeling na ayaw mo nang higaan or guluhin na parang mga isang buwan lang na ganu’n kasi gusto kong ipagyabang muna sa mga kaibigan mo, sa family mo.  Na parang ‘natutulog ka na ba diyan’ oo natutulog na ako pero walang lukot pa,” masayang sabi ng aktor.

Hiningan naman ng reaksyon si Janine kung ano ang moss magic sa kanya, “Moss magic for me is how they put all you wanted in your head and they translated and into real life and even the things na hindi mo naisip na gusto mo alam nila.”

Ang moss magic naman para kay Rayver, “Is really a blessing, guide ako ni Lord papunta sa kanila (Moss Design Home) para sa first home ko. Idinaaan ko lang sa biro lahat, pero nakakatuwa sa puso.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagkakaalam namin ay planong bayaran ng aktor ang bahay at lupa niya sa loob lang ng five years or less.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending