Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa | Bandera

Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa

Ervin Santiago |July 16,2023
facebook
share this

Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa

Ervin Santiago - July 16, 2023 - 07:35 AM

Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

TRAILER pa lang ng pelikulang “The Cheating Game” ay pinag-init na nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang mga fans at social media followers.

Mismong ang Kapuso couple na ang nagsabi na daring and bolder ang pinaggagawa nila sa movie under GMA Productions, directed and written by Rod Marmol.

Ayon kay Julie Anne, ito na ang pinakapasabog at pinaka-intense na proyektong nagawa niya pero hindi naman daw siya nailang gawin ang mga intimate scenes nila ng kanyang dyowang si Rayver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


“Comfortable kasi ako kay Rayver. Nagpapasalamat nga ako na siya ang nakasama ko sa ‘The Cheating Game’. Siguro kung iba ang kasama ko, baka mailang talaga ako.

“Wala akong na-feel na awkwardness habang ginagawa `yon. Thankful ako na siya ang nakasama ko, dahil naramdaman ko kung paano niya ako alagaan,” sey ni Julie Anne.

Baka Bet Mo: Payo ni Maris sa mga aspiring content creator: Wag maging nega, gawin mo kung ano ang gusto mo

Ibinuking din ng kanilang mga kasamahan sa movie kung gaan sila ka-sweet sa shooting. Sa katunayan, napa-sana all na lang si Direk Rod Marmol dahil saksi rin siya kung paano alagaan ni Rayver si Julie Anne.

Samantala, nabanggit din ni Julie Anne na super confident siya na hindi magloloko o magtsi-cheat si Rayver dahil malalim na ang foundation ng kanilang relasyon na nagsimula muna sa pagkakaibigan.

“Confident ako? Yes, oo, confident ako. And of course, Secure ako kasi, matagal na kaming magkaibigan. And I believe, friendship is the best foundation in any relationship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“At tama rin ang sabi ni Winwyn (Marquez), best foot forward then makikilala mo. Dito, hindi na namin kailangang mag-pretend. Hindi na niya kailangang mag-pretend.

“Hindi ko na rin kailangan. And importante rin, ang compatibility and honesty sa isang relasyon,” sey pa ni Julie.

Kasama rin sa “The Cheating Game” sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba. Showing na ito sa mga sinehan simula sa July 26.

Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending