Rayver ibinandera ang pagmamahal kay Julie Anne, na-develop ang 'feelings' nang magkasama sa Siquijor | Bandera

Rayver ibinandera ang pagmamahal kay Julie Anne, na-develop ang ‘feelings’ nang magkasama sa Siquijor

Ervin Santiago |August 10,2022
facebook
share this

Rayver ibinandera ang pagmamahal kay Julie Anne, na-develop ang ‘feelings’ nang magkasama sa Siquijor

Ervin Santiago - August 10, 2022 - 05:07 PM

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

DIRETSAHAN nang inamin ng Kapuso actor-TV host at dancer na si Rayver Cruz na nililigawan nga niya ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Ayon sa binata, natagpuan niya sa actress-singer ang halos lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang babae kaya hindi na niya ito pinakawalan pa.

Sabi ni Rayver, si Julie Anne ang unang naka-close niya sa mga Kapuso stars nang bumalik siya sa GMA 7 ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Ever since na pagbalik ko sa GMA Network, isa talaga sa pinaka naging ka-close ko kaagad is si Julie. And wala naman kasi ako talagang ka-close noon kundi si Rodjun (kapatid niya), eh,” kuwento ni Rayver sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

“Tapos nu’ng nangyari pagkalipat ko, pagbalik ko, nag-start ang ‘Studio 7’ and then siya ‘yong naging ka-close ko kaagad kasi sobrang bait, tapos parang jive kami, kung ano ‘yong hilig ko, hilig din niya.

“In short siya ‘yung naging best friend ko talaga, isa sa mga best friend ko sa GMA,” pagbabahagi pa ng binata.

Patuloy pang kuwento ng binata, mas nakilala pa niya nang lubos si Julie Anne nang magkasama sila nang ilang araw sa Siquijor.

Ito yung guesting niya sa virtual concert ng Kapuso star na “Limitless: A Musical Trilogy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Mas nag-level up ‘yung excitement and ‘yung saya ko, and ‘yung tuwa ko kapag nakakasama ko siya sa mga activities and sa mga kung ano man ‘yung ginawa namin doon sa Siquijor.

“Kumbaga pagbalik from Siquijor, doon ko naisip na ano parang naging crush ko ‘yung best friend ko,” pag-amin pa ni Rayver.

“Medyo parang mas naging clingy ako sa kanya. Parang like hinahanap ko siya lagi kung nasan siya, saan ba siya, sinisilip ko lagi sa dressing room niya,” hirit ng aktor.

At siyempre, bago raw niya pormahan ang dalaga ay nagpaalam muna siya parents nito, “Siyempre out of respect din sa parents ni Jules and kay Jules. Like gusto naman nating lahat na doon tayo sa tama.

“So like me growing up kasi like family man din ako like alam ko ‘yong values ng kung paano ‘yung sa isang pamilya, so ang pinakaimportante talaga is magpaalam muna.

“Kasi kailangan like ano ‘yan eh, kasama ‘yan, eh. Automatic kasi rin sa akin na kapag mahal ko ‘yung isang tao, mahal ko kaagad ‘yung pamilya,” ani Rayver.

Reaksyon naman dito ni Julie Anne, “It’s one of the things that I really appreciate about him kasi aside do’n sa fact na tinanong niya ko, tinanong din kasi niya ‘yung mga magulang ko which is very, very important for me especially like sa mga ganitong klaseng mga bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And ayon, masaya naman, happy lahat. ‘Yun naman ang importante, masaya lahat,” sey pa ng versatile Kapuso star.

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending