Catriona, Sam ‘intimate’ ang magiging wedding sa 2024: We are very excited!
NAGBIGAY na ng ilang detalye ang aktor na si Sam Milby para sa inaabangang wedding nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray for next year!
Sa naging interview with ABS-CBN, ibinunyag ni Sam na magiging “intimate” ang kasal nila ni Catriona.
Chinika rin niya na hands-on siya sa preparasyon, pero hindi raw katulad sa kanyang fiancee na talaga namang mabusisi.
“She’s much more of a planner than I am,” sey ng aktor.
Dagdag pa niya, “I’m very excited. We have a great team helping us prepare. We are getting things ready. We are very excited.”
Nabanggit din ng Kapamilya aktor na super ready na siyang magkaroon ng mga anak at bumuo ng sariling pamilya, pero kailangan pa rin daw nilang i-enjoy ang isa’t-isa bilang mag-asawa.
“Ako, I am ready. I’m turning 40 next year,” sambit niya.
Baka Bet Mo: Catriona, Sam nagpakaligaya sa Rome, doon na rin kaya magpakasal sa 2024?
Ani pa niya, “We’re both excited to start a family, but it’s enjoying the marriage first.”
Noong Oktubre, nauna nang sinabi ni Catriona sa isang panayam na “very strong” siya sa kanyang “vision” para sa magiging wedding niya, pero siyempre hindi pa rin daw niya isinasantabi ang mga gustong input ng kanyang groom-to-be.
“I have a lot of allowance for Sam because it’s both of our special day [since] it includes a lot of special people [in our lives],” sey ng beauty queen.
Noong Mayo, ibinunyag ni Catriona na sa darating na taong 2024 magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni Sam.
Kung mtatandaan, taong 2020 nang kinumpirma ng dalawa sa social media ang tunay nilang relasyon.
Nitong Pebrero naman nang mag-propose si Sam kay Catriona.
Samantala, hindi magkakasama ang couple sa darating na Pasko.
Ang beauty queen ay magdiwang kasama ang kanyang mga magulang sa Australia, habang ang aktor ay mananatili dito sa ating bansa with his sister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.