Catriona proud sa mga paandar ni Michelle sa Miss Universe 2023: ‘Solid prelims performance! Labannnn! Alam na thissss!’
SUPER proud si Catriona Gray sa representative ng Pilipinas sa ginaganap ngayong Miss Universe 2023 pageant na si Michelle Dee.
Ibinandera ng ating Miss Universe 2018 ang kanyang paghanga kay Michelle matapos itong sumabak sa ginanap na preliminary competition kahapon, November 16.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinuri ni Catriona ang “solid” performance ni Michelle sa swimsuit at evening gown portion para sa prelims ng naturang international pageant.
Kalakip ang video ng naging performance ni Michelle video, ang mensahe ni Catriona, “Such a solid prelims performance! Your hard work is showing! Labannnn.”
Bukod dito, nag-comment din ang fiancèe ni Sam Milby sa IG post ni Michelle tungkol sa suot niyang green gown na dinisenyo ni Mark Bumgarner na siyang inirampa niya sa preliminary competition.
Baka Bet Mo: Catriona Gray excited na sa Miss Universe 2023, magbabalik bilang ‘backstage correspondent’
Ang isinulat na caption ng Miss Universe 2018, “Such a solid prelims performance! Alam na thisssss (emojis).”
Hindi nagpatalbog si Michelle sa mahigit 80 pang kandidata na rumampa sa swimsuit at evening gown portions ng Miss Universe 2023 preliminary competition na ginanap sa National Gymnasium sa San Salvador, El Salvador.
Dito kukunin ang top 20 semi-finalists na ia-announce sa grand coronation sa November 18, Linggo.
Nauna rito, very confident din si Catriona na malakas ang laban ni Michelle dahil na rin sa ginawa nitong pangmalakasang training at preparation.
“I talked to her a few months before she flew, but I’m really excited to see how she’s really carrying herself, and I know she’s gonna make us proud,” ang pahayag ni Catriona sa isang panayam.
Related Chika:
Michelle Dee tribute kay Melanie Marquez ang evening gown na inirampa sa Miss Universe prelims
Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.