Catriona Gray excited na sa Miss Universe 2023, magbabalik bilang ‘backstage correspondent’
MULING napili na maging backstage correspondent si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa inaabangang coronation day ng Miss Universe 2023 pageant.
Inanunsyo ito mismo ng Miss Universe Organization sa kanilang official social media accounts recently.
Katulad lang din last year all-female o puro kababaihan ang bumubuo sa hosting team ng event.
Muling makakasama ni Queen Cat sa backstage ang American TV personality and actress na si Zuri Hall.
Habang ang mga main hosts ay sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo, at TV hosts na sina Maria Menounos at Jeannie Mai.
Baka Bet Mo: Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up
View this post on Instagram
At dahil ito ang ikalawang pagkakataon na naimbitahan si Catriona, ibinandera ng beauty queen sa Instagram ang kanyang excitement para sa nalalapit na event.
“See you soon, El Salvador!” wika niya sa post.
Caption pa niya, “So excited to [be] invited back as one of the hosts for Miss Universe.”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang all-out support para kay Catriona at karamihan sa kanila ay umaasa na maging main host naman siya sa susunod.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“MANIFESTING MAIN HOST NEXT YEARRR!!”
“Wow!! You will be def one to look forward! Excited for ur looks and insights as correspondent [emojis]”
“We can’t wait for your pasabogs!!!! GO QUEEN [Philippine flag emojis]”
“You should be on the main stage hosting [fire emojis]”
Ang mga kandidata ng Miss Universe pageant ay kasalukuyan nang nasa El Salvador, kabilang na ang ating pambato na si Michelle Dee.
Ilang araw bago ang coronation day ay abala sila sa mga ginagawang culminating activities.
Ang big day ay mangyayari sa darating na November 19 kung saan ipapasa na ng reigning queen na si R’Bonney Gabriel ang korona.
Mapapanood ‘yan sa Kapamilya Channel at Metro.Style sa YouTube, A2Z Channel 11 at iWantTFC app Nov. 19.
Samantala, ang preliminary competition ng pageant ay magaganap sa November 15, habang ang national costume show ay sa November 16.
Related Chika:
Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?
Kim Chiu napaluhod sa backstage matapos i-endorse ang tambalang Leni-Kiko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.