Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia: ‘We are making history!’
NABIGO man makuha ng ating pambato na si Chelsea Manalo ang korona ng Miss Universe 2024, may iuuwi pa rin siya para sa ating bansa!
Siya kasi ang itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Asia ng international pageant!
Ang nagbalita nito ay mismong si Chelsea na ibinandera sa Instagram page ng Miss Universe Philippines Organization.
Sey ni Chelsea sa isang video post, “Hello, maraming Salamat! Mabuhay ang Pilipinas!”
“We are making history as first Miss Universe Asia!” masaya niyang inihayag.
Baka Bet Mo: Vice natakot: Baka cooking show ‘tong Miss U! Naka-apron si Catriona, e!
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post, proud na ibinandera ng MUPH ang ilang pictures na kung saan sinabitan ng sash si Chelsea at ang tatlo pang hinirang na “continental queens.”
Kung matatandaan, nauna na namin naisulat na bukod sa top winner at runner-ups ay magkakaroon din ng bagong titulo ang Miss Universe pageant.
At heto na nga, si Chelsea ang naging Miss Universe Asia, habang ang Peru ang Miss Universe Americas, ang Nigeria ang Miss Universe Africa and Oceania at ang Finland ang nakakuha ng titulong Miss Universe Europe and Middle East.
“Chelsea Manalo makes history as the first Miss Universe Asia, shining bright as one of the Four Continental Queens! [crown emoji],” saad sa caption.
Mensahe pa, “Congratulations, Chelsea! MABUHAY ANG PILIPINAS! [Philippine flag emoji]”
View this post on Instagram
Ayon sa mga ulat, ang continental queens ay inanunsyo during the post-pageant press conference na ginanap sa Mexico.
Bilang Miss Universe Asia, ang Bulakenya Queen ay nakatakdang bisitahin ang buong Asya kung saan magkakaroon ng official trips ang Miss Universe Organization.
Magugunitang nabigong makapasok sa Top 12 ang ating pambato, matapos mapabilang sa Top 30 qualifiers during the coronation event.
Ang itinanghal na Miss Universe for this year ay si Victoria Kjaer Theilvig ng Denmark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.