Maymay, Rhian, Michelle hahataw sa 'Be Our Guest' concert

Maymay, Rhian, Michelle join sa ‘Be Our Guest’ concert ni Jade Riccio

Ervin Santiago - November 18, 2024 - 07:00 AM

Maymay, Rhian, Michelle join sa 'Be Our Guest' concert ni Jade Riccio

Jade Riccio, Rhian Ramos, Michelle Dee at Maymay Entrata

SIGURADONG magiging “a night to remember” ang “Be Our Guest” concert na handog ng Riccio Music & Artistry (RMA) Studio Academy, sa pangunguna ni Asia’s Jewel Jade Riccio.

Magaganap ito sa darating na December 1, 6 p.m. sa The Podium Hall, Mandaluyong City kung saan magpe-perform ang mga estudyante ng naturang music studio kasama ang ilang sikat na celebrities.

Para sa kanyang advocacy na baguhin ang buhay sa pamamagitan ng musika, pagsasama-samahin ni Jade sa nasabing musical event ang mga mag-aaral, pamilya, at mga A-lister artists.

Ilan sa mga hahataw sa stage sina Maymay Entrata, Michelle Dee, Rhian Ramos, Vivoree at Atasha Muhlach na naging bahagi rin ng RMA Studio.

Itinatag noong 2020, ang RMA Studio Academy ay ang unang all-in-one creative hub ng Pilipinas, na may misyon na gamitin ang pinag-isang kapangyarihan ng musika at bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal sa lahat ng edad at background na tuklasin ang kanilang potensiyal sa sining.

Baka Bet Mo: Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng ‘Bubble Gang’: Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa

Itinatag ni Jade, isang award-winning na soprano, na kilala bilang “Asia’s Jewel”, ang halos dalawang dekada niyang pag-aalay ng sarili sa pagtatanghal sa lokal at internasyonal ay nagbigay inspirasyon sa kanya na lumikha ng isang komunidad ng kahusayan sa RMA.

“Since our inception, RMA has flourished into a highly sought-after music academy, with a team of accomplished coaches and performers providing personalized lessons tailored to each student’s unique goals and aspirations,” pahayag ni Jade sa intimate presscon para sa kanilang concert na ginanap sa kanyang studio sa Pasig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RMA Studio Academy (@rmastudioacademy)


Para sa first half ng concert, ang RMA Studio Academy ay magtatanghal ng mga musicale  Iha-highlight din ang napakaraming repertoire, tulad ng  Pop, OPM, K-Pop, Jazz, P-Pop, Classical, at natatanging fusion performance na may 15 orchestra.

Ang grand musical event na ito ng RMA Studio Academy ay magpapakita rin ng kanilang versatility at commitment sa pagbibigay ng malawak na hanay ng mga music lesson. “This concert is not just a showcase of talent; it demonstrates RMA’s dedication to artistic diversity and excellence,” ani Jade.

“We are also proud to include a wide range of performers, from students aged 6-30’s. Some of our students are high-profile celebrities, while many others are emerging talents ready to shine on stage and as I always say stage is the best teacher,” dagdag pa ng dalaga.

Ibabahagi ang kikitain ng konsiyerto sa Save the Children Philippines at Autism Society Philippines. Ani Jade, malapit sa kanyang puso ang dalawang organisasyong ito dahil umaayon ito sa misyon ng RMA na baguhin ang buhay sa pamamagitan ng musika.

“We are honored and humbled to collaborate with these remarkable organizations as they are both close to my heart. This partnership will inspire the entire RMA family to make this concert a resounding success,” aniya.

Dagdag pa na isa sa mga kilalang estudyante-artist ng RMA ay ang 2023 Miss Universe Philippines, si Ms. Michelle Dee na ambassador ng Autism Society Philippines.

“This concert will not only celebrate musical excellence but also contribute to causes that transform lives, demonstrating RMA’s dedication to both artistic and social responsibility,” sabi pa ni Jade.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RMA Studio Academy (@rmastudioacademy)


Maliban kay Michelle, estudyante rin ng RMA sina Maymay, Erika Raymundo, Atasha, Zia Dantes, Scarlet Belo, Max Collins, Olivia Manzano, Rhian Ramos, John Arcenas, Pepe Herrera, Shanaia Gomez, Caitlyn Stave, Ondrea Sotto, Amari Sotto, Denise Laurel, Vivoree, Brigiding Aricheta, Michelle Garcia, Maria Chantal,  Sabine Cerrado, Solenn Heussaff, Ina Raymundo at marami pang iba.

“At RMA, we remain committed to nurturing and supporting all our students as they grow in their artistic journeys. We believe that with passion and hard work, they can achieve incredible things both on and off the stage.

“Also, I always believe in the power of collaboration. I like learning from others not only with my fellow musicians but also with my students, that’s why I like and I love teaching,” lahad pa niya.

Inaasahan ni Jade at ng buong RMA team na susuportahan ang adhikain nilang ito, “We’ll make sure to leave you inspired more than ever.”

Ibinahagi rin ni Jade na magbubukas sila ng extension branch sa BGC, na magbibigay ng mga klase sa music group (group guitar, violin, o piano lessons). Ang isa pang sangay sa south area ay magbubukas sa susunod na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For ticket inquiries, makipag-ugnayan sa SM Ticketnet. Para sa karagdagang impormasyon tumawag kay Ms. Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending