Catriona Gray, Sam Milby super busy sa wedding preparations

Catriona Gray, Sam Milby super busy sa wedding preparations, kasalan tuloy na tuloy na sa 2024

Pauline del Rosario |October 09,2023
facebook
share this

Catriona Gray, Sam Milby super busy sa wedding preparations, kasalan tuloy na tuloy na sa 2024

Pauline del Rosario - October 09, 2023 - 02:53 PM
Catriona Gray, Sam Milby super busy sa wedding preparations, kasalan tuloy na tuloy na sa 2024
PHOTO: Instagram/@catriona_gray

ILANG buwan matapos ma-engage, abalang-abala ngayon ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby para sa inaabangang kasal.

Ito ang inamin ng dalawa sa naging ambush interview ng ilang miyembro ng entertainment press sa naganap na ABS-CBN Ball 2023.

Ayon sa couple, talagang hands-on sila sa kanilang wedding preparations at may tumutulong sa kanila na magaling na wedding planner.

“Luckily, we have a good planner helping us out. It’s a big plus. [We have] just a few hiccups but yeah,” Sambit ni Sam.

Sinagot naman ni Catriona na “very strong” siya sa kanyang “vision” para sa magiging wedding nila, pero siyempre hindi pa rin daw niya isinasantabi ang mga gustong input ng kanyang groom-to-be.

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

“I have a lot of allowance for Sam because it’s both of our special day [since] it includes a lot of special people [in our lives],” sey ng beauty queen.

Patuloy niya, “I am very strong in my vision, as usual, but I wanted it to reflect the both of us.”

“I don’t think it would be our wedding if I have a say on everything,” aniya pa.

Sumang-ayon naman sa kanya ang aktor at sabay ibinunyag na siya ang in-charge pagdating sa technical side ng kanilang kasal.

“She’s a planner. She knows me well enough, where she’s choosing things that she knows na gusto ko. She knows me well enough,” ani ni Sam.

Tugon pa niya, “I’m in charge of the electronics, the tech side of everything.”

Noong Mayo lamang ay ibinunyag ni Catriona na sa darating na taong 2024 magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni Sam.

Kung mtatandaan, taong 2020 nang kinumpirma ng dalawa sa social media ang tunay nilang relasyon.

Nitong Pebrero naman nang mag-propose si Sam kay Catriona.

Related Chika:

Kris Bernal ‘busy mom’ sa kaarawan, nagdiwang sa South Korea kasama ang pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending