Kiana V ikinasal ulit: ‘Guess it’s sweeter the 2nd time around!’
MATAPOS ibunyag ang secret wedding, muling nagpalitan ng “I do” ang married couple na sina Kiana Valenciano at Sandro Tolentino.
Ang pasilip ng second wedding ng dalawa ay ibinandera ng photography studio na Nice Print Photo sa social media.
Ang nakalagay sa caption, “We guess a wedding is sweeter the second time around.”
Mensahe pa, “Congratulations and happy first anniversary, Kiana and Sandro! Cheers!”
Baka Bet Mo: Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’
View this post on Instagram
Siyempre, present sa special day ng mag-asawa ang sikat na ama ni Kiana na si Gary V, ang kanyang ina na si Angeli Pangilinan, pati na rin ang mga kapatid niyang sina Paolo at Gab.
Star-studded din ang event dahil present si Megastar Sharon Cuneta kasama ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan, pati ang mga pinsan ni Kiana na sina Donny Pangilinan, Ella Pangilinan at Gab Pangilinan.
Nandoon din ang celebrity friends niya na sina Nadine Lustre at Tim Yap.
Magugunita noong nakaraang buwan lamang nang aminin ng anak ni Gary V na ikinasal na siya noon pang December 2023 sa isang secret wedding na ginanap sa Pangasinan.
Ang paglantad niya ay kasabay ng pagdiriwang ng kanilang first year wedding anniversary.
Bungad pa nga niya sa isang Instagram post, “Secret wedding? Highly recommend.”
Kwento niya, “A year ago today, surrounded by family, Sandro and I took the boldest, most exciting leap into our future together. It feels like we’ve lived a lifetime since then, and what an incredible adventure it’s been.”
Kung matatandaan, noong August 2023 nang inanunsyo ng mga magulang ni Kiana na engaged na ang kanilang anak sa non-showbiz partner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.