Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro

Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’

Pauline del Rosario |September 07,2023
facebook
share this

Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’

Pauline del Rosario - September 07, 2023 - 05:14 PM

Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’

Gary V, Angeli, Kiana, Sandro Tolentino

MUKHANG mas excited pa ang tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ngayong malapit nang ikasal ang kanyang anak na si Kiana.

Para sa veteran singer, isang “blessing” ang pagdating ng kanyang future son-in-law na si Sandro Tolentino.

Noong September 3, nagkaroon ng duet performance ang mag-ama sa segment na “The Greatest Showdown” ng Kapamilya variety show “ASAP Natin ‘To” upang ipagdiwang ang recent wedding proposal.

Ang kinanta pa nga ng dalawa ay ang favorite song ni Sandro na “If I Ain’t Got You” ng sikat na American singer na si Alicia Keys.

Kasunod niyan ay nagbigay ng mensahe si Gary V para sa anak, lalo na sa groom-to-be na naka-base sa United States.

“I must say that the Valenciano family is truly blessed with the person that she has been engaged to. He has been a blessing to her. He has been a blessing to us,” sey ng batikang mag-aawit.

Pakiramdam din daw ni Gary V na si Sandro ang talagang “meant to be” para sa kanyang anak.

Baka Bet Mo: Gary V ibinandera ang engagement ni Kiana Valenciano sa non-showbiz BF: ‘My beautiful forever-princess’ ring says it all!’

“Napatunayan niya sa amin lahat that he is — There’s nobody else, there’s nobody else that’s meant to be with this princess of mine. He loves his family and he loves Kiana so very much, and he loves us,” sambit niya.

Patuloy niya, “So, I’m just, you know, I’m truly blessed in every single way possible, and I can’t ask for anything more.”

Nagkaroon pa ng panawagan ang singer sa lahat ng mga ama na samantalahin ang oras na kasama ang kanilang mga anak na babae bago magsimula ang mga ito ng bagong kabanata sa kanilang buhay.

“To all the fathers that are watching right now, if you have a daughter and she’s nearing that [marrying] age na, even before, please spend as much time with your princess,” payo ni Gary V.

Paliwanag pa niya, “You’ll never know when the pages will turn or when the chapter will come to an end to start another chapter.”

Nang tanungin naman si Kiana sa “ASAP Natin ‘To” kung ano ang pakiramdam niya na malapit na siyang ikasal.

Ang sagot niya, “I really can’t put it into words. It feels very surreal, and I’m happy that I get to share it with everyone here today.”

Noong Agosto lamang nang ibinandera nina Gary V at kanyang misis na si Angeli Pangilinan na engaged na ang kanilang anak.

Ang 59-year-old Kapamilya artist na recently lang nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN ay may dalawa pang anak na sina Paolo at Gab.

Si Paolo ay ikinasal kay Samantha Godinez at may dalawang anak na sina Leia at Luch.

Related Chika:

Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alexa Miro sa tunay na relasyon nila ni Sandro Marcos: ‘Hindi siya nanliligaw, he’s one of my closest friends!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending