Kiana Valenciano binash ng netizens; Aga Muhlach sasabak sa bagong teleserye Bandera

Kiana Valenciano binash ng netizens; Aga Muhlach sasabak sa bagong teleserye

Reggee Bonoan |May 12,2022
share this

Kiana Valenciano binash ng netizens; Aga Muhlach sasabak sa bagong teleserye

Reggee Bonoan May 12, 2022 - 09:11 AM

Kiana Valenciano binash ng netizens; Aga Muhlach sasabak sa bagong teleserye

PAGKATAPOS ni Frankie Pangilinan i-bash ng libu-libong netizens dahil sa pahayag niyang, “I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos again, ever. I think it’s that simple.” Si Kiana Valenciano naman ang bina-bash ngayon ng netizens dahil sa sagot niya sa tweet ni Direk Paul Soriano nitong Martes, May 10 ng #HeresComesTheSon and I say It’s all right.”

Sagot ni Kiana, “Used to look up to you.”

Wala kaming nakitang sagot ng direktor sa pasaring na ito ni Kiana.

Si Kiana ay anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na kapatid naman ni senator Kiko Pangilinan. Kaya magpinsang buo sina Kiana at Kakie.

 

 

Ang ilan sa mga nabasa naming komento sa pasaring na ito ng anak nina Gary V at Angeli.

Ayon kay @Abby Son, “Respect is needed.”

Mukha namang hindi siya kilala ni @Bianca Oliverio, “Sino sya? Ah another Gary V offspring with no talent.”

Sang-ayon din si @Kate B. Cagbay kay @Bianca Oliverio, “ di ko din kilala haha.”

Sagot ni @Bianca Olivero kay @Kate B. Cagbay, “objectively speaking kahit magkaiba sila ng political view, ang gaganda ng ads ni Direk Paul. That’s talent.”

Obserbasyon ni @Bianca Oliverio, “@Kate B. Cagbay to be fair magaganda campaign jingle ni Len Len. Pero from her ads to mounting ng rallies. Eww.”

Ang iba pang komento na hindi nagpakilala:

“Dyusko day. Di pa sila tapos?”

“Ang kalat ng pamilya Valenciano lol”

Obeserbasyon naman ng isa pang netizen, “For me, pwede naman siguro mag post siya nang mag post sa account niya, pero Ms. Kiana, hindi mo naman need mag comment sa post ng iba. Kaya hindi nanalo si Leni dahil sa mga katulad mong supporter. Masyado toxic.”

“You just love the candidate Kiana kaya ka nasasaktan ng ganyan. You just love the candidate not the country. RESPECT the 31 MILLION FILIPINOS who voted for them. Negative campaign = NEGATIVE result.”

May nagsabi namang kilala si direk Paul bilang asawa ni Toni Gonzaga, “Paul soriano is never known naman for his work, he’s mostly known as Toni’s (husband).”

Bukas ang panig nina Kiana at direk Paul tungkol sa isyung ito.

* * *

Sa panayam nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa “Cristy Ferminute” kay Aga Muhlach ay hindi nito sinagot kung kulay pula o pink siya, sabi lang niya ay “it doesn’t matter basta ang gusto niya ay may pagkakaisa ang lahat.”

Pero hindi itinago ni Aga na gusto niya si Robin Padilla at malamang na ibinoto niya rin ito dahil tinawag na niyang, “My senator” ang action star kahit wala pang proclamation dahil base na rin sa kasalukuyang resulta ng halalan 2022 ay nasa unang puwesto ang action star.

Say ni Aga, “This man has a good heart! He is as real as it gets. Naniniwala ako sa ‘yo, kaibigan/kapatid that you will serve our country well. I’m proud of you! Mabuhay ka, my senator!”

Samantala, mukhang sasabak na sa teleserye si Aga na rati’y ayaw niya dahil matagal daw ang taping kaya mas type niyang mag-host/judge katulad ng mga programa niyang “Masked Singer” sa TV 5 at ang mga programa niya sa NET 25 na “Tara Game Agad Agad” at “Bida kayo kay Aga”.

Nakita kasi ang post ng aktor sa kanyang IG stories na nasa Baguio siya para sa shoot ng programa na ang titulo ay “Jimmy Boy”.

Pinost ni Aga ang nameplate niya na may nakalagay na ‘as Jimmy Boy’ kasama si Direk Antoinette Jadaone as producer. Kabilang din si direk Dan Villegas sa nag-post naman sa kanyang social media account.

Caption ng aktor, “Here in Baguio now. 1st shoot day of my 1st… (emoji thumbs up) we’ll announce soon!”

Grinab naman ito ng TV5 at itinweet nila at marami kaming nabasang aabangan nila ang project na ito ng aktor at si Maris Racal daw ang makakasama niya rito base sa tsika ng netizens.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ini-imagine namin sina Aga at Maris at mukhang may chemistry dahil pareho silang masayahin at bungisngis so tiyak na magkakasundo sila.

Tarush ni Maris, huh, hindi namimli ng leading man, puwedeng may edad sa kanya at ka-edaran lang nya.

Related Chika:
Aga nag-explain sa pagsusuot ng pula: Pagdating sa mga gulu-gulo, ayaw ko talagang sumali

Aga Muhlach: Fish vendor ka, security guard, market vendor ka, lahat kayo bida sa akin!

Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending