Aga nag-explain sa pagsusuot ng pula: Pagdating sa mga gulu-gulo, ayaw ko talagang sumali
SI AGA Muhlach ang special guest sa programang “Cristy Ferminute” ngayong araw, March 29 para sa promo ng programang “Masked Singer” bilang isa sa Detective Judge.
Napapanood ang programa sa TV5 mula sa Cignal Entertainment, Sari-sari channel at line produced ng Viva Television.
Sa gitna ng pagkukuwentuhan nina Aga kasama ang hosts ng “CFM” na sina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay natanong ng CFMers ang aktor kung ano ang masasabi niya sa “cancel culture” na ginagawa sa mga artista dahil sa magkakaibang political stand.
Nakasuot ng kulay pulang polo shirt si Aga kaya binibiro siya ni ‘Nay Cristy dahil ito ang kulay ng kumakandidatong presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos, Jr..
Tawang-tawa nang husto ang TV host-actor at kaagad siyang nagpaliwanag kung bakit siya nakapula.
“Ha-hahaha! (sabay hawak sa kuwelyo ng polo shirt) nagsuot lang ako kasi mago-golf ako after,” depensa ni Aga.
Sa pagpapatuloy niya, “May isang prinsipyo lang ako na sinusundan sa buhay. Lahat tayo kasi iba-iba ang pananaw sa bawat tao.
“It difficult really nowadays na lahat ng boses naririnig natin na minsan hindi na natin alam kung sino ang tama at kung sino ang mali.
“Ngayon sa akin indibidwal sa pagkatao ko, pipiliin ko ‘yung nakikita kong tama na gawin not necessarily sa politics ‘no, kundi sa buhay.
View this post on Instagram
“Gawin lang natin kung ano ‘yung kaya nating gawin, kung ano ‘yung dapat nating gawin para sa ikauunlad unang-una ng buhay nating lahat at ng mga mahal natin sa buhay tulad ng pamilya natin.
“Pagdating sa politika naman, wala na tayong magagawa, eh, ibig kong sabihin kung may kakampi ‘yung isa hindi mo na masu-sway ‘yan. Pag may kakampi rin ‘yung isa (kalaban) para saan pa para tayo makipaglaban.
“Para sa akin lang, ayaw ko na kasi itong makadagdag ng gulo sa mundong ito o sa bayang ito.
“So, ‘yung sinasabing cancel culture hindi ko na lang iniintindi ‘yan kasi sa akin I will do my work as an actor and I will do my best to entertaint and to keep people happy and pagdating sa mga gulu-gulo, ayaw ko talagang sumali,” paliwanag niya.
Hirit ni ‘Nay Cristy ay respetuhan lang ang bawa’t isa sa kandidatong pinili ng iba.
“Yeah galangan lang, kung may pink tayo hayaan na tin, kung pula, hayaan natin ang pula, kung may asul, hayaan natin ang asul.
“Ang hirap na ng sitwasyon ng bansa natin, I think it’s very important at the end of the day let us not all forget to really love one another,” paliwanag mabuti ng aktor.
Nabanggit pa ni Aga na patawarin ang mga nagkakasala dahil lahat naman ng tao ay may mga kasalanan din sa buhay.
Samantala, bukod sa “Masked Singer” ay may programa rin si Aga sa NET 25, ang “Tara Game Agad Agad” at “Bida Kayo kay Aga.”
https://bandera.inquirer.net/296760/aga-napiling-host-sa-bagong-game-show-ng-net-25-aiko-jay-4-years-nang-magdyowa
https://bandera.inquirer.net/307353/aga-sa-chikang-pagsama-kay-willie-sa-ambs-im-happy-with-net-25-at-masaya-rin-sila-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/292483/aga-lea-nagkaisyu-nga-ba-nang-dahil-sa-pagpanaw-ni-raymund-isaac
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.