Aga Muhlach: Fish vendor ka, security guard, market vendor ka, lahat kayo bida sa akin!
ISA si Aga Muhlach sa mga paboritong celebrity ng NET 25 dahil umeere pa ang game show niyang “Tara Game, Agad Agad” ay may bago na naman siyang programa sa network.
Ito ang “Bida Kayo Kay Aga” na eere na sa March 26, Sabado, 7 p.m. sa nasabing network mula sa Eagle Broadcasting Corporation.
Sa ginanap na virtual mediacon kaninang hapon para sa bagong show ni Aga, nasabi ng aktor at TV host na tinanggap niya ang show dahil hindi pa siya nakagagawa ng ganitong klase ng programa simula nang pasukin niya ang showbiz.
Maging ang pagiging game show host ay hindi rin niya nagawa kaya bumuo sila ng ganitong content para rin makatulong sa tao sa gitna ng pandemya.
Going back to “Bida Kayo Kay Aga”, kinumpirma rin ng Direktor of Sales and Marketing ng EBC na si Ka Caesar Vallejos na first choice ang TV host-actor.
“On the network’s side, we wanted shows for Mr. Aga Muhlach that he has not done before yet like for example we came up with a game show because people wanted to see him smile. Sabi nga makita lang ang dimples niya okay na ‘yan (dahil) na-miss siya ng mga tao.
“True enough, with the game show Tara Game, Agad Agad was really a great feedback kahit po sa mga masa parang hindi lang sila natutuwa na nakatatanggap sila ng cash prizes but there’s Aga Muhlach giving a lot of information to people,” pahayag ni CRV (tawag sa TV executive).
Nabanggit din na may say si Aga sa mga programa niya na kaya niya tinanggap ay dahil gusto niyang gawin hindi dahil kinuha siya as host lang.
“He wants to do something na very close to his heart para mas makatulong din siya kaya I was amazed with his message kanina na ang konsepto niya ay hindi ikaw ang magsasabi ng bida. Sabi nga marami ang nagbibida-bidahan. And to us the concept of bida is what we are also looking for NET 25,” saad pa ng TV executive.
Dagdag naman ni Aga, “Masaya ‘yung NET 25, I see this from the heart the environment inside of NET 25 kaya if NET 25 wants few good shows all smiling like na trabaho lang binabayaran lang kami ay hindi ganu’n ‘yun.
“Kung ano ang gusto mong gawin pero dapat masaya ang tao, huwag tayong bastos, huwag tayong ganito, huwag tayong ganyan. Sabi ko, ‘my goodness tamang-tamang venue talaga at sinasabi ko na gusto kong mag-reach out sa tao, sa masa, why?
“Because ang masa napapabayaan ng buong Pilipinas na gusto nating puntahan hindi lang para bigyan natin ng pera kundi para bigyan ng pansin na, ‘mga Kapatid nandito kami para sa inyo.
“Itong programang ito para sa inyo, gusto ko mag-enjoy kayo, masaya kayo sila ang mga contestants natin, nakakausap ko sila from security guard to kasambahay, mga market vendors marami pa ‘yan, iba-iba ‘yan then itong Bida Kayo Kay Aga, again kung fish vendor ka, security guard, market vendor ka, bida ka sa akin.
“Kayo ang bida rito, kami props lang kami rito, ang NET 25, me, the staff and the director, nandito kami na bumubuo ng programa para sa inyong lahat,” pahayag ng aktor.
Bago gawin ni Aga ang programang ‘Bida Kayo Kay Aga’ ay nagawa na niya ito noon na secretly tumutulong siya na hindi niya ipinagsasabi at kung may mga nakakaalam ay ang mga taong malapit sa kanya.
Kuwento niya, “Noong binata ako marami akong natulungan talaga hindi ko lang sinasabi ito, marami akong napasayang tao at hanggang ngayon kapag binabalik-balikan ko ‘yun mayroon akong mga pamilya na ang mga anak nila napagtapos ko ng pag-aaral, mayroon akong nabigyan ng shelter, nabigyan ng hanapbuhay.
View this post on Instagram
“Ngayon lang napag-uusapan ‘to and up to now walang tatalo talaga sa ligaya ko kapag nakikita kong masaya sila, ‘yung pasasalamat sa akin na dahil hindi ko sila binigyan ng abot, binigyan ko sila ng buhay.
“Nabigyan ako ng pagkakataong tumulong sa kanila ng lubus-lubusan and hanggang ngayon hindi ko makakalimutan na iyon ang nagpabida sa akin sa sarili ko, sa puso ko na itong mga taong ito, eh. In my own little way, I was able to save a lot of people through the years hanggang ngayon,” diin ni Aga.
Kaya kapag may nakikitang mga taong tumutulong kahit maliit na bagay sa mga kapwa nila kahit sila rin ay may pinagdaraanan ay sadyang nata-touch si Aga dahil nakikita niya ang sarili niya noon.
Samantala, parehong wala sa bansa ang mga anak niyang sina Atasha at Andres dahil nag-aaral sa ibang bansa kaya sila lang ng asawang si Charlene ang nasa bahay kasama ang mga kasambahay.
Tinanong namin kung wala bang planong magbalik-telebisyon ang magandang misis ni Aga na naging TV host sa mga dance show nito tulad ng “Keep On Dancing” sa ABS-CBN at “Eezy Dancing” sa TV5 bukod pa sa “The Buzz,” “Feel At Home with Charlene”, “At Home ka Dito,” “ASAP” at nasubukan ding umarte sa “1 for 3” kasama sina Vic Sotto at Rosanna Roces.
“Gusto niya, sana kunin siya ng NET 25. Ha-hahaha! I think she’s ready to work naman because the kids are away. Thank you for asking that question,” masayang sabi ng hubby ni Charlene.
Sabay nanawagan si Aga, “CRV, Ma’am Wilma (Galvante).”
At puwede pa rin daw tumanggap ng dance show ang asawa niya, “Oo naman kung ano ang gusto niyang gawin, it’s up to her. I think she’s ready to work now, she wants to.”
https://bandera.inquirer.net/302787/aga-charlene-nagpositibo-sa-covid-habang-nagbabakasyon-sa-us-praying-for-complete-healing
https://bandera.inquirer.net/296760/aga-napiling-host-sa-bagong-game-show-ng-net-25-aiko-jay-4-years-nang-magdyowa
https://bandera.inquirer.net/292483/aga-lea-nagkaisyu-nga-ba-nang-dahil-sa-pagpanaw-ni-raymund-isaac
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.