Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na 'yan, turuan mo ng leksyon! | Bandera

Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

Ervin Santiago |March 30,2021
facebook
share this

Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

Ervin Santiago - March 30, 2021 - 03:32 PM

NILAGLAG ni Toni Gonzaga ang kanyang sisteraka na si Alex sa muli nilang paghaharap sa isang bagong vlog kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang personal na buhay.

Naikuwento kasi ni Toni sa bagong vlog ni Alex na may titulong “We React to our Crazy Rumors” kung paano siya sulsulan ng kapatid kapag may hindi sila pagkakaintindihan ng husband niyang si Paul Soriano.

Napag-usapan nila ang tungkol sa tsismis na kumalat noon na may pagkakataon daw na naghiwalay umano sina Toni at Paul nang dahil sa ibang babae.

Diretsahang tinanong ni Alex ang kanyang ate kung totoo bang may babae siyang kinompronta noon na nali-link sa asawang direktor at sinabihan daw niya ng, “Not my husband!”

“Ito, rumor na sagutin mo ngayon. Totoo ba na may sinabihan ka ng ‘Not my husband!’?” sey ni Alex. Na sinagot naman ni Toni ng, “Wala. Baduy mo naman. Yun talaga rumor mo?”

“Walang katotohanan?” pangungulit ni Alex. Na muling sinagot ni Toni ng, “Wala.”

Pahayah ni Alex kung nagkataong totoo ang tsismis talagang susugurin daw niya si Paul, “Gusto ko lang sabihin sa inyo, I’m very protective of my sister.

“And if ever man na may mangyayari sa kanila, tandaan n’yo sa mga Tinsters who are watching…talagang makikita n’yo na lang sasapakin ko si Direk Paul. Pero walang naganap na ganu’n. Never po nangyari.

“Wala pong katotohanan na may sinabihan ang ate na, ‘Not my husband!’ Kasi ang corny. Hindi niya talaga gagawin,” paliwanag ni Alex.

Samantala, sa sumunod na eksena, ibinuking nga ni Toni ang pagiging sulsulera ng kapatid kapag may mga issue sila ni Paul.

“Ikaw ang iru-rumor ko. Sino yung kapatid na laging gustong maghiwalay yung kapatid tsaka yung brother-in-law niya?

“‘Hiwalayan mo na ‘yan.’ Laging ganyan ‘yan. Kapag nagkakainitan kayo sasabihin niyan, ‘Umuwi ka na sa Taytay. Iwanan mo na ‘yan. Turuan mo ng leksyon. One week ka dito tumira,'” kuwento ng Kapamilya actress at TV host.

Pagtatanggol naman ni Alex sa sarili, “Kaya ko yun sinasabi guys kasi ang ate ko, introvert siya. Hindi niya ma-express ang sarili niya.

“Nasanay siya sa mommy at daddy na quiet lang siya. Siyempre yung bunganga ko malaki, ‘Fight. Fight back,'” aniya pa.

Pero chika ni Alex, super okay na okay sila ng kanyang bayaw, “Before, hindi kami okay ni Kuya Paul kasi hindi namin gets yung humor ng isa’t isa.

“But you know what? We’re the best of friends now. And Ate now is the enemy,” birong chika pa ng actress-vlogger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa Alex sa kanyang ate, “And bagay sa kanya si Paul. Alam n’yo kung bakit? Kasi minsan epal siya. Hindi siya nagiging epal kay Paul. So thank you Kuya Paul.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending