Beauty Gonzales tanggap kung may iba pang anak si Norman

Beauty Gonzalez tanggap kung may iba pang anak si Norman pero…

Reggee Bonoan - December 17, 2024 - 01:35 PM

Beauty Gonzales tanggap kung may iba pang anak si Norman pero...

“Well, masa-shock ako una, paano nangyari? But at the same time I will welcome the child kasi hindi naman niya kasalanan ‘yun! “ ito ang diretsong sagot ni Beauty Gonzalez sa tanong kung halimbawang may biglang magpakilala sa kanyang anak siya ng asawang si Norman Crisologo sa ibang babae.

Nangyari ito sa grand launch ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3” na pagbibidahan nil ani Senator Bong Revilla, Jr.

Base rin kasi sa kuwento ng serye ay lapitin ng babae ang karakter ni Bong kaya naman mega-bantay talaga ang asawang ginagampanan ng karakter ni Beauty bilang matinik ng ana asawa.

Dagdag paliwanag ni Beauty para makasigurong anak nga halimbawa ito ng asawa niya.

“I would go to DNA test just to be sure and if anak ni Norman ‘yun, he or she is welcome to the house hindi naman puwedeng pabayaan ang bata suporta ako if it happen which I hope wala naman,” saad ng aktres.

Baka Bet Mo: Sid, Beauty, cast ng ‘Outside’ 1 buwan nanatili sa Negros Occidental

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At mukhang malabong mangyari nga dahil base rin sa kuwento ni Beauty sa past interviews niya ay lagi silang magkasama ni Norman sa lahat ng lakad niya o kaya kung may ibang lakad naman ang huli ay lagi silang magkausap sa cellphone o video call pa at higit sa lahat, sobrang mahal siya nito.

Samantala, sa ikatlong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay ikinuwento ni Beauty na nagsisisigaw siya ng ‘Tolome’ sa ilalim ng tubig dahil sa kahahabol kay Bong.

“Oh my God! Ang masasabi ko talaga, what a life I have ‘coz hindi ko ma-imagine na gagawin ko talaga ‘yan ever in my life.

“ Inisip ko paano kaya ‘yung underwater scene? Sa Pasig River ba? Kung saan-saan na napunta ang imagination ko tapos nu’ng pinakita nu’ng ginawa na namin, I really feel safe kasi may safety divers sila (production) and then pinakita kung ano ‘yung proseso everything, it’s very unforgettable experience na I’m very proud and I’m excited Olivia (anak) to watch kasi inaabangan niya ‘yun (scene),” masayang kuwento ni Beauty.

Ginanahan ang aktres sa pagkukuwento at bigla siyang kumambyo, “ay ayaw ko na ikuwento baka wala na silang mapanood ha, ha, ha pero talagang (nahirapan) tapos tanggalin pa ‘yung googles, may mga taong nakahiga sa harap ko at sumigaw ako ng ‘Tolome’sa ilalim ng tubig, yeah not once but twice ha, ha, ha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya super excited ang lahat ng cast na dumalo sa grand launch dahil maraming bago at huwag na huwag itong hindi abangan base rin sa trailer grabe ang daming pasabog dito na akala nga namin ay pelikula ito

Mapapanood na ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula December 22 produced handog ng Imus Productions at GMA 7 mula sa direksyon nina Rechie del Carmen at Enzo Williams.

Dumalo sa grand launch sina Nino Muhlach, Boss Toyo, Carmi Martin, Maey Bautista, Joko Diaz, Jestoni Alarcon, Raphael Landicho, Liezel Lopez, Jeffrey Tam at Leo Martinez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending