Beauty Gonzalez sa pagtawag sa kanya bilang ‘horror queen’: I don’t mind
HINDI matanggap ni Beauty Gonzalez na tawagin siyang Horror Queen dahil nakailang horror films na rin ang nagawa niya tulad ng “Feng Shui 2”, “Abandoned” at “Hellcome Home”.
Bukod dito ay second choice siya sa “Kampon” as leading lady ni Derek Ramsay na dapat at si Kris Aquino pero nagkaroon ng COVID-19 pandemic kaya hindi natuloy ang tinaguriang Queen of All Media apat na taon na ang nakararaan.
Kaya sa grand mediacon ng “Kampon” na entry ng Quantum Films ngayong Metro Manila Film Festival 2023 na idinirek ni King Palisoc mula sa panulat ni Dodo Dayao at mapapanood na simula sa Disyembre 25 ay natanong si Beauty kung alam niyang second choice siya at puwedeng tawagin na rin siyang ‘horror queen’ lalo’t ito rin ang turing kay Kris dati.
Sagot agad ng aktres, “I don’t mind. I really don’t mind. I take it as a challenge ‘coz she’s known to be a horror queen, so to be a second choice, I take it as a challenge na sana, I can do better than her and I can bring my best into this project.”
Sabay nagpasalamat si Beauty sa Quantum producer na si Atty. Joji Alonso dahil siya ang napiling gumanap bilang asawa ng kaibigan niyang si Derek Ramsay na nailang siya sa love scene dahil nga asawa ito ng best friend forever niyang si Ellen Adarna.
“I’m very lucky to be chosen by Quantum Films, they have really highly entertained movies, sobrang ang dami nilang napapanalunan na mga awards in Metro Manila Film Festival and to be working with Derek Ramsay who’ve won a lot of Best Actor awards is like ‘okay, I’m game!’”saad ni Beauty.\
Baka Bet Mo: Birthday wish ni Derek, mabuntis uli si Ellen after makunan sa Spain
Dagdag pa nang malamang may love scene sila ni Derek, “hala, asawa pala siya ng best friend ko, pero sige, I’ll take the challenge. So, I’m happy to be here.”
Samantala, umamin si Beauty na nakaramdam siya ng awkwardness sa love scene nila ni Derek pero labis ding pinasalamatan ng aktres ang aktor dahil sobrang gentleman kaya’t palaging take one ang mga eksena nila.
Ngayong 2023 ay masasabing ito ang MMFF na may malalaking artistang kalahok bukod pa sa sampung pelikula ang magkakatunggali.
Aware naman daw si Beauty, “I know it’s a tight game, 10 films in Metro Manila Film Festival, I’m just lucky to be here to be one of those top 10 kasi ang gaganda rin ng ibang pelikula na kasama ngayon.”
Ang tanging hiling ng aktres ay sana ibaba ang bayad sa sine dahil sobrang mahal at tiyak na hindi na makakapanood ang karamihan.
Kasama rin sa “Kampon” ang bagong discovery ng Quantum Films na si Erin Espiritu, Nico Antonio, Al Tantay, Kean Cipriano at introducing si Zeinab Harake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.