Birthday wish ni Derek, mabuntis uli si Ellen after makunan

Birthday wish ni Derek, mabuntis uli si Ellen after makunan sa Spain

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Birthday wish ni Derek, mabuntis uli si Ellen after makunan sa Spain

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:28 AM

Birthday wish ni Derek, mabuntis uli si Ellen after makunan sa Spain

Derek Ramsay at Ellen Adarna

SA kabila ng pagkawala ng una sanang baby nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay umaasa pa rin sila na mabibiyayaan muli ng anak.

Ibinahagi ng award-winning hunk actor na nabuntis ang kanyang asawa nitong nagdaang buwan ngunit nakunan ito noong magbakasyon sila sa Spain.

Matinding kalungkutan at panghihinayang ang nararamdaman ngayon ni Derek dahil matagal na nga nilang gustong magkaanak uli ni Ellen.

Naging bukas ang aktor sa pagkukuwento tungkol dito nang humarap siya muli sa entertainment press kahapon para sa grand mediacon ng Metro Manila Film Festival 2023 entry ng Quantum Films na “(K)ampon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ikinumpara ni Derek ang sarili sa karakter niya sa pelikula bilang si Clark Martinez na baog. Aniya, sa tunay na buhay daw ay may anak na siya sa karelasyon niya noong si Christine Jolly, ang 21-year-old na si Austin.

“Si Clark kasi sa pelikula, sabi ng mga doktor, baog. Hindi siya makabuo. Yun yung problema naming mag-asawa sa film. To be honest, ako worried ako kasi medyo tumatanda na rin tayo. So, akala ko baog din ako.

Baka Bet Mo: Pagsasama nina Derek at Ellen bilang mag-asawa tinaningan ng basher: 1 taon lang kayo magtatagal

“Pero nu’ng nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen. And then, unfortunately, we lost the baby,” ang rebelasyon ni Derek.

“Pero at least alam namin na hindi kami baog. So, first attempt pa lang naman and, well, successful…unsuccessful. So, yun lang talaga ang magiging focus namin na we can get a full pregnancy right away.

“So, at least, sadly we lost the baby, but at least alam namin na hindi kami baog,” pagbabahagi ng aktor.

Yun naman daw ang mahalaga ngayon, ang malaman na posible pa rin silang makabuo ni Ellen ng baby at nasa mabuting kundisyon naman ito.

Patuloy pa niyang kuwento tungkol sa pagkalaglag ng anak nila ni Ellen, “It’s very quick, like nandu’n kami sa Spain for my mom’s birthday. Delayed si Ellen, she’s never delayed,” lahad ni Derek.

“So we knew something was up. And she got herself tested while we were there. She was positive. Great news for my mom, for us. And then pauwi, nag-i-spotting na siya and then eventually… we lost the pregnancy.

“So there’s nothing major, hindi niya kailangang magparaspa or anything. It was still early on in the trimester, a few weeks lang naman,” esplika niya.

Inamin din niya na parang nakalutang pa siya sa presscon para sa kanilang MMFF entry, “We didn’t know, e, kung may problema ako, may problema siya. I guess, worry lang.

Baka Bet Mo: Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

“Hindi pa naman kasi kami nagta-try-try pa and then yun, nakabuo but we lost it,” aniya pa.

Last December 7 ay nag-birthday si Derek kaya natanong kung ano ang kanyang wish, “Magka-baby na. Laging sinasabi ko, boy, pero ngayon parang gusto ko nang magka-baby girl.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


“So, yan talaga ang wish. Yan na lang talaga ang kulang sa life ko. I’m very blessed and I’m really in a good spot right now and yun lang na talaga ang kulang,” sey pa ng aktor.

Nauna na naming naibalita ang revelation ni Derek sa nangyari sa first baby na sana nila ni Ellen na hindi pa nila ipino-post sa social media.

“Medyo hindi ko alam kung ano yung mapi-feel. Kasi rollercoaster, e. Super happy, biglang…lowest of the low.

“So she’s pregnant, she’s not pregnant. Di masabi ng doktor na hindi pa talaga siya malalaglag, you know. So, ang daming tanong na hindi masagot.

“Paglapag namin galing Spain, diretso na kami sa hospital, ultrasound. So, it’s super, super rollercoaster of emotions. But priority is, Ellen is okay. She’s safe, and yun.

“Yung good thing is, at least now, we know that we can still have a baby,” paglalagad pa ni Derek.

Next year, very positive si Derek na mabibiyayaan sila uli ni Ellen ng baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, showing na sa December 25 ang “(K)ampon” bilang bahagi ng taunang filmfest. Bukod kina Derek at Beauty, kasama rin sa movie sina Zeinab Harake, Nico Antonio, at ang child star na si Erin Espiritu na na-discover sa “Mini Miss U” ng “It’s Showtime”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending