Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin | Bandera

Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

Ervin Santiago |December 16,2021
facebook
share this

Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 07:58 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

NEXT year planong magka-baby ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay at kung siya raw ang tatanungin, mas feel ni Derek na lalaki ang unang maging anak nila ng kanyang asawa.

Kahit may banta pa rin ng COVID-19 pandemic at sa gitna ng pagdami ng kaso ng Omicron variant sa ilang panig ng mundo, mukhang itutuloy pa rin ng showbiz couple ang kanilang honeymoon sa Africa na nakatakda na nga raw sa January, 2022 kasama ang anak ni Ellen (kay John Lloyd Cruz) na si Elias.

“Gusto naming ma-experience ni Elias yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito, e, na kung nandu’n na kami, tapos yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias iyun.

“Yung Safari, once mo lang gagawin yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” ang sabi ng hunk actor sa interview ng kaibigang Morly Alinio sa DZRH kamakailan.

Grabe raw ang nararamdamang kaligayahan ngayon ng ni Derek sa piling ng kanyang misis, “Wala kaming away. Sobrang positive ang energy dito sa bahay. Parang Big Brother lang, ‘no?” 

“After the wedding, talagang smooth-sailing ang nangyayari sa amin ngayon. Nagpaplano pa lang ng wedding, usually nagpi-prepare ka, nai-stress kayo, nag-aaway kayo dahil sa preparations. Pero sobrang relaxed talaga namin ni Ellen. Sobrang comfortable,” sey pa ng aktor.

Aniya pa, “Masaya talaga dito sa bahay, kaming mag-asawa, kaibigan, pamilya. Masaya talaga kami dito sa bahay. Kuntento na kami dito sa bahay para safe. Nandiyan ang coronavirus. Gusto lang namin dito sa bahay.”

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Kasunod nito, dinenay din ni Derek ang chika na buntis na si Ellen.

“Plano talaga namin magka-baby, not right now. Next year. May baby pa kami, si Baby Elias, nandito. Si Austin (panganay na anak) hindi na baby. Sila muna ang focus namin.

“Pero next year, mag-aano (gagawa ng baby) na kami. Iyon ang plano namin. Mag-start na kami next year,” aniya pa.

Baby boy din daw ang wish niyang maging unang anak nila ni Ellen, “Hindi ko kaya kapag babae, marami akong gugulpihin. Alam mo, kung magkaanak akong babae, she’ll have a complete control of me, di ba? Kapag may mga manliligaw, ay naku! Trust me!” ang tawa nang tawa pang kuwento ng hubby ni Ellen.

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, “No plans talaga for now. Next year, may international movie ako. So, focus ako du’n.

“Pahinga muna ako from teleserye. Alam mo naman ako, sinabi ko sa mga interview natin, pag nag-umpisa na ako ng pamilya, talagang yyun ang focus ko.

“So, ‘yan, kakakasal lang namin. Wala, e. Hindi ako makaka-focus sa ibang bagay kundi pamilya ko. I really need to just take a break and enjoy the next chapter of my life,” aniya pa.

Sa tanong kung papayagan pa rin ni Derek na mag-artista at magpaseksi uli si Ellen sa pelikula, ayon sa aktor hindi raw nila pinakikialaman ang trabaho ng isa’t isa, “Wala kaming rules sa mga ganyang klaseng bagay.

“If she wants to still pursue show business, by all means. And the same way sa akin, kung gusto ko pang gumawa ng projects, wala kaming ano..she trusts me to choose my projects. She trusts me enough to choose my projects. Wala kaming ganu’n, e, na bawal kang gumawa ng ganito, bawal kang gumawa ng ganyan,” sabi pa ni Derek sa isa pang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias

Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending