Alex nakunan uli, nag-sorry kay Mikee: Noong naliligo ako parang bigla akong kinausap ni Lord, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?' | Bandera

Alex nakunan uli, nag-sorry kay Mikee: Noong naliligo ako parang bigla akong kinausap ni Lord, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’

Ervin Santiago |November 05,2023
facebook
share this

Alex nakunan uli, nag-sorry kay Mikee: Noong naliligo ako parang bigla akong kinausap ni Lord, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’

Ervin Santiago - November 05, 2023 - 08:57 PM

Alex nakunan uli, nag-sorry kay Mikee: Noong naliligo ako parang bigla akong kinausap ni Lord, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?'

Mikee Morada at Alex Gonzaga

SA ikalawang pagkakataon ay nakunan ang TV host-actress at content creator na si Alex Gonzaga sa magiging anak sana nila ng asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Nito lamang nagdaang October nangyari ang second miscarriage ni Alex, base sa panayam sa kanya ng kapatid na si Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel nitong “Toni Talks”.

Kuwento ng vlogger, nakunan siya matapos silang sumailalim ni Mikee sa tinatawag na in-vitro fertilization (IVF), ang proseso ng pagbubuntis kung saan pinagsasama ang itlog ng babae at semilya ng lalaki sa isang laboratoryo sa halip na pagtatalik.

Inamin ni Alex na nagdesisyon sila ng kanyang asawa na subukan ang IVF dahil sa nararamdamang pressure sa pagkakaroon ng anak mula sa mga taong nasa paligid niya.

Bukod dito, may napanood din siyang panayam tungkol kay former United States First Lady Michelle Obama kung saan nakunan din ito bago manganak sa pamamagitan din ng IVF.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“Basta nakita ko sinabi niya (Obama) na nagkaroon siya ng miscarriage then after two years, hindi sila makapag-conceive ni Barack (Obama), so sabi niya mag-IVF siya. So by 34, nag-conceive siya then at 36. Through IVF pareho ‘yun,” kuwento pa ng aktres at TV host.

Nang makunan, humingi raw siya ng paumanhin kay Mikee na talagang all-out ang suportang ibinigay sa kanya mula nang magpa-IVF sila.

Baka Bet Mo: Alex trending matapos kumalat ang balitang ‘nakunan’ daw

“I was so pressured na. Pagkatapos sabi ko kay Mikee, ‘Mike, sorry.’ Sabi niya, ‘Bakit ka nagso-sorry? Ang dami pa nating embryo. Go lang.’

“Very supportive siya talaga pero hindi niya ipinapakita ang mga emotions. Pinaramdam niya sa akin na siya ang partner na hindi ipaparamdam sa ‘yo na kasalanan mo,” aniya pa.

Naikuwento rin niya kay Toni na talagang ipinagdasal niya kay Lord na sana’y bigyan na sila ni Mikee ng anak, “Tapos ‘yung minsan natatakot ka nang gumising sa umaga kasi parang shocks anong magiging result?”

May mga agam-agam nang naramdaman si Alex nang gumamit na ng mga medical jargon ang kanyang doktor kapag nagpapaliwanag na  tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Pero ang sabi sa kanya, maging patient sa paghihintay dahil baka mabagal lang ang development ng kanyang pregnancy.

“First punta namin, ano e, walang nakikita e. Tapos may nakitang mass, sa fallopian tube. Tapos nakikita ko hindi na maganda ‘yung mga nangyayari,” pag-alala ni Alex.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“So alam ko na may something wrong doon sa second pregnancy. Sabi nila, we have to wait. Ganoon din nangyari sa amin sa first pregnancy namin. We have to wait another week to see baka naman it’s slow,” aniya pa.

At bago nga sumapit ang kanyang final check up, parang kinausap daw siya ng Diyos, “Noong naliligo ako parang bigla lang akong kinausap ni Lord na parang, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’

“Tapos naiyak ako, kasi parang naisip ko, ‘Oo nga ‘no, ba’t ba ako in a rush, bakit hinihingi ko kay Lord is, ‘Lord sana bukas pregnant na ako, sana talagang matuloy na ‘tong pregnancy ko,'” aniya pa.

Baka Bet Mo: Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’

Sabi naman sa kanya ni Toni, “Ikaw kasi lahat sinasabi, ‘si Alex na ‘yung susunod’. Alam mo ‘yung baby shower ko? ‘Alex, ikaw na’. Tapos lahat ng video mo, ‘Pregnant na si Alex, hindi lang niya sinasabi.’”

Pahayag ni Alex, matapos ang mapait na pinagdaanan, mas tumaas pa ang respeto at paghanga niya sa mga nanay na sumasailalim sa IVF procedure para mabuntis.

“Kapag (na-conceive) kayo ng IVF, mahalin niyo ang nanay niyo. Kasi dito makikita ang hardship at ang daming pinagdaanan para lang mabuo ka. Grabe ang respect ko sa mga nanay sa pinagdaanan niyo,” paalala pa ng vlogger sa mga anak na produkto ng IVF.

May mensahe rin siya sa mga kababaihan na hindi pa rin makabuo ng anak at sa mga tulad niyang ilang beses nang nakunan.

“Huwag kayong magagalit kay Lord because may reason talaga. Always pray na ma-comfort ka niya. God always comforts the brokenhearted.

“Tapos kapag may bad news, sabihin niyo, ‘Lord, be with me. Yakapin niyo ko the whole time para hindi ako masaktan at para hindi ako madurog.’ Sasamahan ka talaga niya,” sabi ni Alex.

Matatandaang maraming netizens ang nakapuna na parang buntis si Alex sa isang video na ipinost niya sa Instagram habang sumasayaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang unang miscarriage ni Alex ay nangyari noong October, 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending