Alex trending matapos kumalat ang balitang 'nakunan' daw | Bandera

Alex trending matapos kumalat ang balitang ‘nakunan’ daw

Therese Arceo |October 09,2021
facebook
share this

Alex trending matapos kumalat ang balitang ‘nakunan’ daw

Therese Arceo - October 09, 2021 - 06:24 PM

MIKEE MORADA AT ALEX GONZAGA

USAP-USAPAN ngayon ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga matapos kumalat ang balitang nakunan raw ito sa kaniyang ipinagbubuntis.

Bagamat may mga chika na noon na buntis ang vlogger ay hindi naman ito kinumpirma ng pamilya Gonzaga kaya marami ang nagtaka nang may blind item na kumalat na isang TV host ang diumano’y nakunan.

Marami sa mga netizens ang nagsabing si Alex Gonzaga nga raw ang pinatutungkulan ng blind item base na rin sa mga description na nakasulat.

May kumalat ring video ni Alex habang sinasabi niya na kinakailangan niyang magpahinga saglit kaya hindi muna siya makikita sa kanyang TV5 show na “Lunch Put Loud”.

Kaya marami sa mga netizens talaga ang curious kung ano ang nangyayari sa tinagurinang “Pambansang Jeje ng Pinas”.

Wala namang inilalabas na statement ang kampo ng TV host vlogger kaya nagmistulag pasabog ang naging IG post ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis nitong Sabado, Oktubre 9.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan raw si Alex Ginzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang totoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o ni Toni Gonzaga hintayin,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, para naman daw ginawang negosyo ang malungkot na balita dahil ginawan pa ito ng vlog.

“Siyempre para sa sinuman babae very sad ba mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.

“Hindi naman siguro totoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex at Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila,” pagpapatuloy nito.

Dagdag niya very petty kung pati mga ganitong klaseng balita ay itatago nila para may content sa kanilang vlog.

“Eh married naman si Alex, at paano itatago nag medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaroon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen,” sey pa ni Manay Lolit.

If totoo man ito, nawa’y makarecover rin si Alex agad dahil hindi biro ang mawala ng isang mahal sa buhay na kahit kailan ay hindi ka man lang nagkaroon ng tsansa na makita o mahawakan man lang.

At kung true man na nais ng pamilya nina Alex na maging exclusive sa kanilag vlog ang nangyari ay malaya naman silang gawin ito dahil tulad nga sa naunang kontrobersyang kinasangkutan ng kapatid nitong si Toni, #MyChannelMyRules.

Malungkot nga lang na naudlot ang munting anghel nina Alex at Mikee lalo na’t halata kay Alex na gusto na nitong magkaroon ng little one lalo na sa tuwing kinukulit nito ang pamangking si Seve at binibiro na siya ang tunay na ina ng bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Get well soon, Alex! Naghihintay ang mga netizens sa ibabalita mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending