Alex Gonzaga pinahiran ng icing ni Mikee Morada sa farewell episode ng 'Tropang LOL'; Billy Crawford nag-alay ng dasal | Bandera

Alex Gonzaga pinahiran ng icing ni Mikee Morada sa farewell episode ng ‘Tropang LOL’; Billy Crawford nag-alay ng dasal

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 10:05 AM

Alex Gonzaga pinahiran ng icing ni Mikee Morada sa farewell episode ng 'Tropang LOL'; Billy Crawford nag-alay ng dasal

Mikee Morada at Alex Gonzaga

MARAMING natuwa at naaliw sa farewell episode ng noontime show sa TV5 na “Tropang LOL” last Saturday, lalo na sa pagbisita sa studio ng asawa ni Alex Gonzaga na si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Bentang-benta sa mga manonood at sa netizens ang ginawang pagpapahid ng icing ni Mikee sa noo ng kanyang wifey sa isang segment ng programa na umere kahapon, April 29, sa Kapatid Network.

Ayon sa mga nakapanood ng huling episode ng “Tropang LOL”, parang nakaganti na raw ang waiter na pinahiran ni Alex ng icing ng cake sa mukha noong Enero 15, mismong bisperas ng kanyang kaarawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Matatandaang naging national issue pa ang ginawa ni Alex sa nasabing food server dahil hindi nagustuhan ng publiko ang sinasabing pambabastos niya sa taong nagtatrabaho lang nang maayos.

Isa nga si Mikee sa mga naging special guests sa farewell episode ng “Tropang LOL” na nakisaya sa “Beat The Who” segment ng programa.

Sa nasabing game, nagkamali ng sagot si Alex sa tanong na ibinato sa kanya at bilang parusa, kailangang pahiran siya ng icing at si Mikee nga ang naatasang magpahid ng sa face ng kanyang asawa.

Baka Bet Mo: ‘Tropang LOL’ ililipat ng timeslot, nakikipagnegosasyon nga ba sa NET25?

Bukod sa TV host-vlogger, pinahiran din  ng icing sa mukha ang mga co-host niyang sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray at KC Montero. Tawanan naman ang lahat ng nasa studio ng noontime show.

Samantala, sa huling bahagi ng programa ay nagdasal ang mga hosts at production staff ng “Tropang LOL” tulad nang ginagawa nila sa tuwing magpapaalam na ang programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Si Billy Crawford ang nag-lead sa kanilang pagdarasal, “Mahal naming Panginoon, maraming, maraming, maraming salamat.

“Salamat po una sa lahat, iniligtas Ninyo po ang lahat ng nanonood ng programang ito sa sakit na COVID during the times na talagang naghirap ang Pilipinas, naghirap ang mundo po.

“Maraming bumitaw po sa Iyong pangalan pero itong programa po ay binuksan Ninyo para sa amin para ipaalaala ulit po na nandito Kayo na gumagabay po para sa aming lahat.

“Kaya salamat po Lord God na yung two and a half years po, binigyan Ninyo po kami ng pagkakataon makatulong sa kapwa, makilala ang kapwang katrabaho, masaktan, magmahalan, at magpatawad.

“Kaya Father God, yung prayer namin na ito po ay prayer ng pasasalamat. Salamat po sa pauli-ulit Ninyong patawad sa aming mga kasalanan at salamat po na binibigyan Ninyo po kami ng saya when there are dark times.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tropang LOL (@tropanglol)


“Lord, thank You for shining Your light and giving Your love and grace to everyone who’s watching this show.

“We also pray na kung sino man po ang magpapatuloy ng timeslot na ito ay sana po makatulong ng hindi hamak din po sa mga kapwang nangangailangan.

“We thank You once again for our lives. We thank You for our struggles.

“We thank You for our failures and we thank You for Your forgiveness and we thank You for your love,” ang panalangin pa ng “Tropang LOL” team.

Billy Crawford may pinatatamaan nga ba sa farewell post sa ‘Tropang LOL’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba absent si Julia Montes sa farewell walk ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP…may isyu yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending