Bakit nga ba absent si Julia Montes sa farewell walk ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP...may isyu yarn? | Bandera

Bakit nga ba absent si Julia Montes sa farewell walk ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP…may isyu yarn?

Reggee Bonoan |August 15,2022
facebook
share this

Bakit nga ba absent si Julia Montes sa farewell walk ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP…may isyu yarn?

Reggee Bonoan - August 15, 2022 - 06:56 PM

Coco Martin at Julia Montes

IISA ang tanong ng mga netizens, “Bakit wala si Julia Montes kahapon sa farewell walk FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP Natin To kahapon?”

Binigyang-pugay kasi sa programa ang cast members ng serye sa pangunguna nina Coco Martin, Angel Aquino, Shaina Magdayao, John Prats, John Estrada, Raymart Santiago, Lorna Tolentino, Michael de Mesa, Rowell Santiago at John Arcilla.

Naroon din sina John Medina, Sancho Vito delas Alas, CJ Ramos, Marc Solis, Jay Gonzaga, Bassilyo, Smugglaz, Karl Medina, Whitney Tyson, Geoff, Eigenmann, Jimboy Martin, at Dax Augustus.

Sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta ang kumanta ng soundtrack ng “FPJAP” at pinagitnaan nila si Coco a.k.a. Cardo Dalisay.

Kaagad naming inalam sa handler ni Julia na si Marc Merla ng Cornerstone Entertainment kung bakit wala ang aktres sa farewell walk ng co-actors niya sa “ASAP.”

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“May shoot kami for online endorsement bawal sabihin kung ano kasi new product plus may contract kaya hindi puwedeng i-cancel,” pahayag sa amin ni Mac.

Dagdag pa niya, “Saka hindi rin na-invite kasi nalaman nga na may commercial shoot.”

Tinanong din namin ang tungkol sa viral comments ng mga nakapanood ng pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Biyernes na nasa interesting stage raw ngayon si Julia.

“Hindi ko alam kasi payat naman siya sa personal,” saad ni Mac.

Hayan, klaro na kaya wala si Julia sa “ASAP” nitong Linggo ay dahil may endorsement shoot siya.

* * *

Puwede nang manood ng “HIH All Access: The He’s Into Her Grand Finale Concert” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano saan man sa mundo dahil available na ito sa iWantTFC at KTX.ph.

Para sa fans na hindi makakapunta sa concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, pwede pa rin manood online sa livestreaming kapag bumili ng tickets sa iWantTFC o KTX.ph hanggang Agosto 27 ng 8:15 p.m. (Manila time).

Kaabang-abang ang mga kilig performances dahil bukod sa Donbelle at iba pa nilang “He’s Into Her” co-stars, may pasabog na mga sorpresa din ang special guests na sina SAB, Trisha Denise, Jon Guelas, Zion Aguirre, Nameless Kids, at ang P-pop groups na BINI at BGYO.

Siguradong siksik sa saya, kilig, at sorpresa ang finale concert, bilang handog ng “HIH” sa kanilang fans pagkatapos ng matagumpay na ikalawang season ng serye. Napapanood pa rin ang lahat ng episodes sa iWantTFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa concert sa Araneta Coliseum.

Hirit ni Julia kapag ayaw na sa ‘yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

6 tips ni Charo para sa mga laging nagtatanong ng ‘kaya ko ba ‘to?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending