Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: 'Napakahirap...every time is a new struggle' | Bandera

Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 07:55 AM

Rica Peralejo 3 beses nang nakunan: 'Napakahirap...every time is a new struggle'

Rica Peralejo at Joseph Bonifacio

NAGBUKAS ng kanyang puso ang aktres at content creator na si Rica Peralejo tungkol sa tatlong batang  nawala mula sa kanyang sinapupunan.

Inamin ng celebrity vlogger na napakasakit at napakahirap para sa isang ina na makunan at malaglag ang sanggol na kanyang dinadala lalo na kung gustung-gusto na ng isang babae na mabuntis at manganak.

Nagbahagi ng saloobin si Rica abour her three miscarriages sa latest episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” at dito nga niya nabanggit kung gaano ito nakaapekto sa kanyang mental health.

“I had my first born and then I miscarried twice. Then I had my second born, and then I miscarried again,” pagsisimula ni Rica.

Aniya iba’t ibang experience ang naranasan niya sa bawat miscarriage na nangyari sa kanya, “Magkakaibang bagay sila. Napakahirap. Every time is a new struggle.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


Paliwanag pa ni Rica, bukod sa pag-aalaga at pagsuporta sa kanya ng kanyang asawa, ang isa pa sa nakatulong sa pagmu-move on ay ang pagtanggap sa sarili na may pinagdaraanan siyang pagsubok bilang babae at bilang nanay.

“Hindi mo pwedeng i-deny sa sarili mo na nahihirapan ka at masakit siya kasi the more you deny, the harder it is to actually heal, kasi kapag hindi mo na-address yung sugat, hindi ka rin talaga maghihilom,” lahad ng YouTuber at life coach.

Sa isang vlog, ibinalita ni Rica na nakunan siya sa ikatlong pagkakataon, “The announcement is I was positive. Positive not for COVID thankfully and the other good news is that I was positive for pregnancy. So, yehey happy! Good news.

“But the bad news there is I was positive that means I’m no longer am. I only really decided to share it because I find it when, you know, I share my vulnerabilities and my struggles to my viewers, nakaka-relate kayo sa akin.

“Somehow siguro, meron siyang effect na parang kapag nakikinig din ako ng iba, it makes me feel a little less alone,” aniya pa.

In fairness, solid na solid pa rin ang married life ni Rica hanggang ngayon with her husband Pastor Joseph Bonifacio kasama ang dalawa nilang anak na sina Philip at Manu.

Rica Peralejo muling nakunan sa ika-3 pagkakataon; 2 hiniling na ‘milagro’ kay Lord hindi natupad

Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex trending matapos kumalat ang balitang ‘nakunan’ daw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending