Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa | Bandera

Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa

Reggee Bonoan |October 18,2021
facebook
share this

Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa

Reggee Bonoan - October 18, 2021 - 02:08 PM

Mikee Morada at Alex Gonzaga

NITONG Linggo ng gabi ipinost ni Alex Gonzaga-Morada sa Instagram na nakunan siya sa panganay nila ng asawang si Mikee Morada.

Nalaman niyang buntis siya dalawang buwan na ang nakararaan at nakatanggap sila ng hindi magandang balita na nagkaroon siya ng anembryonic pregnancy (blighted ovum) nitong Okt. 12 bagay na iniyakan nilang mag-asawa.

Ni-repost ni Mikee ang mga larawan nila ni Cathy (tunay na pangalan ni Alex) sa Instagram kabilang na ang kuha habang nasa hospital bed ang TV host-vlogger, nakaupo sa wheelchair, magkayakap sila at ang pregnancy result.

Ang caption na inilagay ni Mikee, “May mga pinapangarap at hinahangad tayo na ibibigay sa atin ng Panginoon sa panahon na alam Niyang mas para sa atin.

“Minsan mapapaisip at mapapa-question tayo, pero ‘yung tiwala natin sa Kanya ang dapat manaig (praying hands emoji).

“Hindi man natuloy, blessing at masaya ang ma-experience na dalawang buwang buntis si misis. Sa maiksing panahon hinanda Niya kami para sa susunod.

“Lalong tumibay ang aming samahan bilang mag asawa (praying hand emoji) pag pray niyo po kami ha! God bless!!” ang mensahe pa ni Mikee.

Umani ng 436 shares at mahigit 600 ang mga komento mula sa kaibigan at netizens na nagbibigay lakas ng loob sa mag-asawang Mikee at Alex. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

Mula kay @Nié Cole, “And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose. Romans 8:28. You two did great. God bless!”

Say ni @Lyyn Caffiello, “Be strong Kuya Mikee and Ate Alex … keep on praying  (emoji praying hands).”

Sabi rin ni @Guerrero Nor, “so sad but its okey, the Lord will keep your baby in His kingdom ang isipin nyo n lng na sya ay inyong angel n gagabay at magbabantay sa inyo … sending prayers and hug God bless you both.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo naman ni @Marygrace Aydalla Javier, “Cheer up konse. Mikee and Ate Alex One Day God sent you again another rainbow baby. We’ve been there. I know how hurts it. But in trusting the will of God he sent me again another little one. God bless you both Ate Alex be brave mwuaaaaaaa virtual huuuuugs.”

Alex trending matapos kumalat ang balitang ‘nakunan’ daw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending