Pagsasama nina Derek at Ellen bilang mag-asawa tinaningan ng basher: 1 taon lang kayo magtatagal | Bandera

Pagsasama nina Derek at Ellen bilang mag-asawa tinaningan ng basher: 1 taon lang kayo magtatagal

Ervin Santiago |April 21,2022
facebook
share this

Pagsasama nina Derek at Ellen bilang mag-asawa tinaningan ng basher: 1 taon lang kayo magtatagal

Ervin Santiago - April 21, 2022 - 01:33 PM

Derek Ramsay at Ellen Adarna

ISANG epal na basher na naman ang nangnega at nang-okray sa pagsasama nina Derek Ramsay at Ellen Adarna bilang mag-asawa.

Bukod sa pagtawag nito sa hunk actor na daig pa ang babae sa pagiging “clingy” ay tinaningan pa nito ng isang taon ang pagiging husband and wife nina Derek at Ellen.

Sa kanyang Instagram account noong April 12, nag-post si Derek ng ilang mga litrato nila ni Ellen kasama ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Makikita sa mga IG photo ang tatlo habang nakahiga pa sa kama at tila kakagising lang.

“Mornin (happy face emojis),” ang maikling caption ni Derek sa ibinahagi niyang mga litrato.
Sa comment section, sumagot naman si Ellen ng, “My boys My lovesss (red heart emojis) im home (red heart emojis).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


Kasunod nito, may isa ngang netizen naman ang nagkomento na tila mas mahal pa raw ni Derek ang anak nina Ellen at John Lloyd kesa kay Austin, ang anak niya sa kanyang first wife na si Mary Christine Jolly na 18 years old na ngayon.

At bukod sa pagsasabing isang taon lang tatagal ang marrued life nina Ellen at Derek, mas masahol pa raw sa babae ang aktor dahil sa pagiging “clingy” sa asawa.

Hindi naman ito pinalampas ni Derek at talagang pinatulan ang basher. Cool na cool na bwelta niya sa hater, “If you are feeling alone and unloved I can help.

“I can feel your sadness and loneliness. Sending you virtual hugs and kisses. Take care,” aniya pa.

Kinuyog naman ng IG followers ang netizen at sinabihang tantanan na ang pagiging bitter sa buhay at tigilan na ang pakikialam sa kanyang kapwa.

Ikinasal sina Derek at Ellen sa isang outdoor wedding noong November, 2021, ilang buwan lamang matapos nilang ibandera sa buong universe ang tunay nilang relasyon kasabay ng kanilang engagement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom

Kris muling rumesbak sa nang-okray kay Bimby: You are bullying the wrong boy!

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending