Judy Ann sa mga magdyowa: Wag magbatuhan ng baho sa publiko

Payo ni Judy Ann sa mga magdyowa: Wag magbatuhan ng baho sa publiko

Ervin Santiago - December 17, 2024 - 12:35 AM

Payo ni Juday sa mga magdyowa: Wag magbatuhan ng baho sa publiko

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ang mga anak

IN FAIRNESS, kahit parehong nasa entertainment industry ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay napapanatili pa rin nila ang privacy sa kanilang family.

Kaya naman maraming mga young couples ngayon ang umiidolo at mataas ang respeto kina Juday at Ryan.

Nagbigay ng ilang “sikreto” si Judy Ann kung paano nila napapanatili ni Ryan ang maayos at healthy relationship as married couple pati na rin ang kapribaduhan ng kanilang mga anak.

“Simple, ‘yung personal na nangyayari sa loob ng bahay, it should remain inside the house.

“Never wash your dirty linens in public kasi mas lalong hindi maaayos kapag nag-involve kayo ng ibang tao,” ang pahayag ni Juday sa interview ni Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel.

Baka Bet Mo: David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player

Dugtong pa ng Kapamilya actress, “Kung kami lang ang may issue, kami lang ang dapat mag-usap at kami lang ang dapat mag-ayos.

“Ang dami na kasing may opinion ngayon, ultimo 8 years old may opinion na sa issue ng ganito at ni ganyan kasi nga may social media,” aniya pa.

“So ‘yung private life namin, as much as possible, we want to keep it private. But not too private in a way na hindi nakaka-relate ‘yung mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph)


“Kasi nakikita naman nila kaming lumalabas, nakikita naman nila kami kapag halimbawa namamasyal kami or something.

“Hindi naman kami masungit pero pagdating sa personal issues, kami lang ‘to, huwag na natin ‘tong palakihin,” paliwanag ni Judy Ann.

Natanong din siya kung paano niya nahahati ang kanyang katawan sa pagganap bilang asawa, nanay, working mom, aktres at businesswoman.

“Kapag talagang gusto mo naman ‘yung ginagawa mo at masaya ka naman sa routine ng buhay mo, nagagawa mo naman. Magagawa mo siya,” sabi ng lead star ng pelikulang “Espantaho” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

“Basta ako halimbawa may project na lumapit sa akin, tapos magugustuhan ko siya, ilalatag ko na sa simula pa lang, ito po ang routine ko at parameters.

“Kung okay lang po, kung ito ang call time pero ‘pag hindi naman po, okay lang naman din, sabihin niyo lang din po ahead of time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi siyempre nirerespeto ko naman ang mga director. Gusto nila may sunrise shots sila, naiintindihan ko ‘yun, at trabaho ko bilang artista na gawin ‘yun,” pagbabahagi pa ni Juday sa panayam ni Mama Ogs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending