David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player | Bandera

David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 08:13 AM

David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player

David Licauco

PARA sa lahat ng fans and social media followers ng Kapuso actor na si David Licauco, knows n’yo ba kung paano niya napapanatili ang kanyang hunky at yummy body?

Sa digital mini-talk show ng GMA Pinoy TV na “Break Seven,” nakachikahan ng host nitong si Tonie Pua ang Kapuso heartthrob na sikat na sikat ngayon bilang si Fidel sa hit GMA series na “Maria Clara at Ibarra.”

In fairness, bukod sa kanyang good looks, isa rin sa hinahangaan ng publiko kay David ay ang kanyang magandang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, paano nga ba niya napapanatili ang kanyang fit and healthy body na talaga namang pinapantasya ng mga kababaihan at kabadingan.

“I go to the gym every day. So, sa morning, the first thing I do talaga is to work out. Kasi for me, working out starts up my day. When I’m working out, I feel motivated, my mind is clear, and siyempre fit,” chika ni David.

Pero paliwanag ng aktor, may mas mahalaga pa raw siyang dahilan kaya siya mahilig mag-work out.

“I’m after the performance. Mas gusto ko mas malakas ‘yung katawan ko and mas functional ako for my job.

“Kasi ‘yung pampaganda ng katawan, ‘yun ‘yung motivation ko before, but as you age, mas imporante ‘yung functionality ng katawan natin,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Sa kabila ng kasikatan ni David bilang isang aktor, alam n‘yo bang may isa pa siyang ultimate goal?

“Basketball player talaga ako, ‘yun talaga ‘yung dream ko since I was 10 years old. Even until now, I’m still dreaming one day to play potentially sa professional basketball,” kuwento pa ng leading man ni Barbie Forteza sa “Maria Clara at Ibarra.”

Natanong din kay David kung ano ang maituturing niyang ideal date, “I love going to cold places, but not too cold. Probably, Tagaytay.

“At saka mahilig din ako sa mga out of the box trips, kunwari Binondo. Kasi parang feeling ko when I am in Binondo, I feel like I’m home,” tugon ni David.

Patuloy na subaybayan si David sa “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Pinoy TV.

David Licauco: Kailangan ko talagang mas maging good looking, mas gumaling sa pag-arte

Julie Anne kering-kering magdrama at magpatawa; RitKen maraming pasabog bilang ‘mag-asawa’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending