David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng 'eyeball' | Bandera

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Ervin Santiago |June 02,2021
facebook
share this

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Ervin Santiago - June 02, 2021 - 09:15 AM

UMAMIN ang dalawang Kapuso stars na sina Edgar Allan Guzman at David Licauco na maraming beses na silang nakatanggap ng indecent proposals.

Ito ang rebelasyon ng dalawang “Heartful Cafe” stars nang mag-guest sa Kapuso comedy show na “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) nitong nagdaang Linggo.

Na-hot seat nang bonggang-bongga ang dalawang aktor sa “May Pa-PressCon” segment ng TBATS at isa nga sa mga naitanong sa kanila nina Boobay at Tekla ay kung nakatanggap na sila ng indecent proposals lalo na sa mga bading at matrona.

Pag-amin ni EA, marami-rami na rin siyang natanggap na ganitong offer lalo na noong baguhan pa lang siya sa showbiz. 

May isang pagkakataon pa nga raw na naka-receive siya ng mensahe at inalok siya ng P100,000 para lang pumayag siyang makipagkita nang personal. Wala raw siyang ibang gagawin basta makipag-eyeball lang daw siya.

“Nu’ng nag-i-start pa lang ako sa showbiz, ‘yung ‘Mr. Pogi,’ yun, doon maraming nagte-text. Hindi pa kasi uso ‘yung Instagram, dati eh. Pero dito lately, wala naman. 

“Kumbaga ‘yung iba lang, alam mo ‘yun, gusto lang magpapansin. Magbibigay kunwari, may magdi-DM, may digits pero alam mo ‘yun, parang ako, dedma,” pahayag ni EA.

Hindi rin daw nakaligtas ang Kauso hunk na si David Licauco sa mga ganitong offer lalo pa’t lagi siyang nagpo-post ng kanyang hunky photos sa social media.

Sey ni David, “Siguro dati mas marami, noong medyo mas bata pa ako pero ngayon wala na masyado.
“I mean siguro kasi iniisip nila na kahit paano may ginagawa na ako sa buhay so hindi naman na sila masyado gumaganun, nagme-message ng indecent proposals. 

“Pero before, dati marami. Wala naman, hindi ako masyadong nagre-reply,” aniya pa.

Samantala, tuluy-tuluy pa rin ang pagpapasabog ng good vibes at pampakilig ng laging trending at top rating GMA Telebabad series na “Heartful Cafe”.

Tutukan ang huling pasabog ng karakter ni Barbie Forteza sa serye na nakatakda namg magpaalam bukas. Ano nga kaya ang iiwanang marka at aral ng dalaga sa buong tropa at sa mga manononood?

At sa darating namang Biyernes, siguradong magpipiyesta ang fans nina Jeric Gonzales at Klea Pineda na matagal nang nagre-request na sana’y makapag-guest din ang magka-loveteam sa “HC”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yes, mapapanood na sina Klea at Jeric sa primetime series nina Julie Anne at David bilang sina Lily at Warren simula sa Friday kaya abangan kung ano naman ang dalang mga bagong paandar ng Kapuso loveteam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending