Julie Anne kering-kering magdrama at magpatawa; RitKen maraming pasabog bilang ‘mag-asawa’
PATULOY ang paghahatid ng kilig at good vibes nina Julie Anne San Jose at David Licauco sa laging trending na Kapuso romcom series, ang “Heartful Café”.
Bentang-benta sa mga manonood at netizens ang inspiring ay super nakakakilig na kuwento ng hit primetime show ng GMA, lalo na kapag kinakausap ng karaktek ni Julie Anne San Jose na si Heart ang camera.
Ayon sa mga fans and social media followers ng Asia’s Pop Diva, aliw na aliw sila kapag nagmo-monologue na ang leading lady ni David sa serye.
First time raw kasi nilang nakapanood ng teleseryeng nagsasalita sa harap ng kamera ang bida nito o ang tinatawag na “breaking the fourth wall.”
Sabi nga ng ilang netizens, talagang pang-all around ang talent ng Kapuso singer-actress at TV host dahil pinatunayan nito na kering-keri niyang magdrama, magpakilig at magpatawa ng viewers.
“I like Heartful Café because it has a different take on romantic comedy where the protagonist is talking/interacting to the screen/audience,” comment ng isang Kapuso viewer.
“It’s a first time for me and I’m interested how the story progresses,” hirit naman ng fan ni Julie Anne.
In fairness, bukod sa patok na tambalan nina Julie Anne at David, inaabangan din ng mga manonood ang mga life lesson at love advice na ibinabandera gabi-gabi sa “Heartful Café.”
* * *
Mas mature at pinatindi na roles ang haharapin ng patok na Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw.”
Gaganap sila bilang mag-asawa sa nasabing serye. Kuwento ni Ken sa interview ng “24 Oras”, “Merong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, ‘O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo dito.’
“Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa batok mo.’ Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya. Sobrang nakakatuwa lang.
“Very mature ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa,” chika ng Kapuso actor.
Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, tatalakayin din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.
Tutukan ang pagbabalik ng RitKen sa TV sa “Ang Dalawang Ikaw” na malapit nang mapanood sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.