Judy Ann Santos dream come true ang ‘horror’ film with Direk Chito Roño
SI Direk Chito Rono ang dahilan kung bakit tinanggap ni Judy Ann Santos ang pelikulang “Espantaho” ng Quantum Films dahil unang beses silang nagkatrabaho.
“The time pa lang na tumawag sa akin si Direk Chito, offering a film na horror, excited na ako, e. Kasi pangarap ko talagang makagawa ng horror film with Direk Chito.
“Walang tanong-tanong, sabi niya, ‘Isusulat ni Chris (Martinez), si Atty. Joji (Alonso) ang magco-co-produce, okay ka?’. ‘Okay, go,’ sey agad ng aktres.
Dagdag pa, “Wala pang script ha, wala. So noong nagkita kami noong first day, excited ako talagang ma-experience uli siya. Kasi, ibang-iba na ang lahat, iba na ang ganap, kalmado na siya, pero naka-mic pa rin siya. At least hindi na kayo namumura, iba na, hahaha!”
Baka Bet Mo: Vilma nagsalita na kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ kaysa sa ‘Espantaho’
Sabi ng premyadong aktres ay dekada na ang inabot bago siya uling gumawa ng horror films at base sa filmography niya ay itong “Espantaho” ang napasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na nataong nagdiriwang ng 50th year.
Matatandaang ang dalawang horror movies ni Juday ay ang “Ouija” (2007) directed by Topel Lee at ang “Mag-Ingat ka sa Kulam” (2008) na mula naman sa direksyon ni Jun Lana na sobrang napag-usapan ang dalawang pelikula.
Naging direktor din ni Juday sina Tony Y. Reyes sa “Wow..Multo” (1997) at “Regal Shocker “(2015) Jose Javier Reyes.
“After a decade na lang ako ulit nakagawa ng horror film. It’s always nice to work with Direk Chito, kasi ano iyon e, what you see is what you get. Pero pipigain ka niya.
“Pero iyon nga, kapag nakuha na niya iyong gusto niya sa iyo, okay na tayo, moved-on na tayo. Pero ‘pag hindi, hindi ka naman makakarinig, pero mararamdaman mo kung saan iyong parte na kailangan mong husayan, puliduhin and all. Happy lang ako na the whole time we were doing this, parang mangilan-ngilan lang iyong mga eksena,” kuwento ng aktres sa nakaraang “Espantaho” mediacon na ginanap sa Novotel nitong December 9.
At dahil isa si Judy Ann sa producer ng “Espantaho,” ang Purple Bunny Productions ay natanong kung ano ang mas gusto niya, box office o award?
“Aba, parang lahat po yata ng nominado ay gugustuhin naman, hindi ba? Pero, siguro napaka-cliche kung sasabihin ko na, okay na, na maging box office na lang kami. Napaka-plastic naman din kung sasabihin kong hindi ko nais na magkaroon ng award, hindi ba? But kung ano ang nakikita ng mga hurado, kung kanino siya dapat mapunta, roon ako nagtitiwala.
“Naniniwala ako na maganda ang project namin at binitbit namin ang isa’t isa sa proyektong ito. Kung ano ang magiging resulta sa award’s night, napaka-bonus na talaga niyon.
“Being included in this wonderful film, ano na iyan e, that alone is a reward and a gift already for Christmas and for everyone.
“Iyong award, napaka-ano na iyon, buong-buo na siguro iyong 2024 ko kung nagkataon,” mahabang sabi ng aktres.
Sa horror movies na nagawa ni Judy Ann ay isang award ang natanggap niya, Best Actress sa PASADO for Oujia (2007) at nag-box office ito.
Samantala, ang “Espantaho” ay kuwento ng pag-ibig, pangangaliwa, at misteryo na magtatagisan ng galing sap ag-arte ang mga kasama tulad nina Itinatampok dito ang Lorna Tolentino (Rosa) at Chanda Romero (Adele) at si Juday as Monet.
Kabilang din sina Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos, Eugene Domingo, at ang award-winning child actor na si Kian Co.
Ang MMFF movie ay produced ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions na mapapanood na simula sa December 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.