Vivamax King Benz Sangalang pumayag ipakita si ‘junjun’ sa ‘Boy Kaldag’
SA kauna-unahang pagkakataon ay pumayag mag-frontal nudity sa isang pelimula ang Vivamax King na si Benz Sangalang.
Ito’y ginawa niya sa kanyang launching movie na “Boy Kaldag” mula sa direksyon ng cult director na si Roman Perez, Jr. kung saan makakasama niya ang Vivamax Queen na si Angeli Khang.
Ang “Boy Kaldag” ay isang sexy-dark comedy at inspired ng 1992 sexy-drama movie na “Totoy Mola” na pinagbidahan noon ni Jay Manalo. Ito’y tungkol sa buhay ni Dakz (Benz) na tinawag na Boy Kaldag dahil sa laki ng kanyang ari.
Ayon kay Benz, dream come true ang pagbibigay sa kanya ng Vivamax ng launching movie kaya naman itinodo na niya rito ang lahat-lahat, pati ang pagpapakita ng kanyang private parts.
Pumayag siyang mag-frontal dahil kailangan daw talaga sa eksena at malaki rin ang tiwala niya kay Direk Roman at may ipagmamalaki rin naman siya pagdating sa “palakihan.”
Pero aminado ang sexy actor na mixed ang emotions niya ngayong nalalapit na ang pagpapalabas ng “Boy Kaldag” sa Vivamax streaming platform.
Baka Bet Mo: Angeli Khang, Benz Sangalang buwis-buhay ang sex scenes sa erotic-drama na ‘Salakab’: ‘Puwede nilang ikamatay!’
“Masaya po talaga kaso may tensyon, parang ganoon lang pero sobrang saya ko na umabot ako sa estado na ganito na na nabigyan ng break ng Viva at ni Boss Vic del Rosario.
“Medyo nape-pressure ako dahil hindi ko alam kung deserve ko talaga,” ani Benz sa ginanap na mediacon ng “Boy Kaldag” kamakailan.
View this post on Instagram
Kasunod nito, natanong si Benz kung ang pagbibigay sa kanya ng Vivamax ng launching movie ang patunay na siya na nga ang dapat tawaging Vivamax King.
“Sa totoo po, ayoko na munang magsalita tungkol sa Vivamax King issue. Sina Boss na lang po ang tanungin ninyo, ayokong sa akin manggaling kasi lahat naman kami, walang karapatan na magsabi. Yung may-ari lang, yung owner talaga ng Viva,” sey ni Benz.
At dahil super “gifted” nga ang karakter niya sa movie ay natanong din si Benz kung mahalaga ba talaga ang size ng ari ng lalaki. Sagot ni Benz, “Oo mahalaga po iyon. Napapansin ko rin naman, umuulit sila, e! Ha-hahaha!”
Sa kuwento ng pelikula, saksihan si Benz bilang isang viral sensation na may misteryosong sumpa sa kanyang private part.
Iikot ang istorya kay Dakila “Dax” Dakobuto, isang lalaking sumikat online dahil sa kanyang kaldag moves suot ang isang maskara, na nagdala sa kanya ng bansag na “Kaldag King.”
View this post on Instagram
Sa likod ng kasikatan, may kakaibang sumpa na itinatago si Dax tungkol sa kanyang pagkalalaki. Bata pa lang, ang kanyang private part ay mayroon nang hindi pangkaraniwang haba at laki.
Madidiskubre din niya kinalaunan na kapag siya ay nakikipagtalik, ang sinumang maka-encounter ng bahaging ito ng kanyang katawan ay mamalasin, o mas malala, mamamatay.
Isang araw, muli niyang makikita ang kanyang childhood crush na si Bettina (Dyessa Garcia) na malapit nang ikasal sa isang makapangyarihang congressman.
Maiimbitahan si Dax na mag-perform sa bridal shower ni Bettina, ngunit dahil sa kalasingan ay may mangyayari sa kanila. Dahil dito, malalagay sa peligro si Dax, at may madidiskubre din siyang iba pang mga lihim.
Makakawala ba si Dax sa sumpa, o tuluyan siyang dadalhin nito sa kanyang kapamahakan? Alamin ang magiging kapalaran ni Boy Kaldag ngayong December 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.