Sexy actor Benz Sangalang bagong Vivamax King, pero kinontra

Sexy actor Benz Sangalang bagong Vivamax King, pero may nagrereklamo

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Sexy actor Benz Sangalang bagong Vivamax King, pero may nagrereklamo

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 08:05 AM

Sexy actor Benz Sangalang bagong Vivamax King, pero may nagrereklamo

Aiko Garcia, Benz Sangalang at Apple Dy

INIINTRIGA ang titulong “Vivamax King” sa sexy actor na si Benz Sangalang na bibida uli sa sex-suspense-drama movie na “Balinsasayaw.”

Ang chika, isang direktor daw ang kumokontra sa ibinigay na titulo kay Benz na makikita nga sa trailer ng “Balinsasayaw”.

Sa naganap na mediacon para sa naturang pelikula, ay natanong nga ang aktor kung ano ang feeling niya sa title bilang “Vivamax King”.

Sa totoo lang daw, kahit siya ay na-shock dahil hindi niya ito in-expect pero feeling proud and grateful daw siya dahil mismong ang mga bossing ng Viva Entertainment ang nagbigay sa kanya nito.

Baka Bet Mo: Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’

“Sa totoo lang po, napakasaya ko nu’ng inilagay nila yan (sa trailer ng Balinsasayaw) kasi may approval naman ng Viva management.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benz Sangalang (@benzsangalang_)


“Sobrang saya ko. Dahil sa sobrang saya ko, ini-screenshot at ipinost ko, pero may mga hindi magagandang reaksyon mula sa iba,” lahad ni Benz.

Para sa lahat naman ng kumukuwestiyon sa naturang title, “Huwag nilang masamain. Masaya rin naman ako para sa ibang mga lalaki na kasamahan ko sa Vivamax na marami rin projects.

“Hindi ko rin naman expected na ibibigay sa akin yung title dahil ini-earn mo yan. Paghihirapan mo para makuha mo.

“Kung hindi sila masaya para sa akin, okay lang. Ang sa akin lang, pinaghirapan ko at papatunayan ko na lang na deserve ko talaga kasi may mga project pa naman ako na kasunod,” pahayag pa ni Benz.

Baka Bet Mo: Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

At sa chikang isang direktor daw sa Vivamax ang hindi um-agree sa pagbibigay sa kanya ng titulong Vivamax King, “Hindi naman tayo sure. Baka nagkakamali lang kami.

“Ayokong magkaroon ng kaaway sa showbiz. Kung kailan maganda na yung takbo ng career ko, baka isipin nila na, ‘Yumayabang na ito porke nabigyan ng title.’

“Baka na-misinterpert lang nila yung reaction ko, yung pag-screenshot at pag-post ko dahil proud po ako siyempre,” sabi pa ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benz Sangalang (@benzsangalang_)


Samantala, ipakikita nina Aiko Garcia at Apple Dy kung paano maging nakaaakit kahit na maging tuso. Panoorin ang “Balinsasayaw” streaming exclusively sa Vivamax ngayong May 17.

Pelikula ni Rodante Y. Pajemna, Jr., ang “Balinsasayaw” ay kwento ng pagtataksil, kuntsabahan, at paghihiganti. Iikot ang istorya sa babaeng nagpakasal sa isang mapagtaksil na asawa, at nang akitin ng bestfriend ng babae ang asawa ay naisip pa nilang pagtulungan na patayin ang babae para kunin ang yaman nito.

Si Rowena ay mula sa isang mayamang pamilya na nagpakasal kay Carlo, isang gwapong lalaki na kilala sa pagiging playboy. Sa kanilang kasal,  biglang pupunta ang dating kaibigan ni Rowena na si Ivy, gugulatin niya ang lahat, at guguluhin ang mundo ni Rowena.

At sa ikakukumplikado pa ng buhay ni Rowena, hindi maiiwasang maaakit sina Carlo at Ivy sa isa’t isa nang magkita sila sa kasal, at dito magsisimula ang kanilang pagtataksil kay Rowena.

Naisip pa nilang pagplanuhan na patayin si Rowena, lalo na nang malaman ni Carlos kung gaano kayaman ang kaniyang napangasawa.

Gagawin nila ang plano sa kasagsagan ng isang pista, kung saan maraming tao, maraming distractions, kaya mas madali sa kanila gawin ang naiisip na krimen. Isang mahabang gabi ng takbuhan, takutan, at habulan ang magaganap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang kwento na puno ng palaisipan kung saan ang mararanasan ng isang manloloko at sinungaling ang madalas niyang gawin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending