Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman | Bandera

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Ervin Santiago |November 09,2021
facebook
share this

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Ervin Santiago - November 09, 2021 - 07:59 AM

Jay Manalo, Angeli Khang at Sean de Guzman

HANGGA’T maaari ay ayaw nang tumodo sa paghuhubad at pakikipag-love scene ng dating sexy actor na si Jay Manalo na nakilala noon bilang si “Totoy Mola.”

Active na active pa rin ang aktor ngayon sa paggawa ng mga teleserye kung saan madalas ay tatay o kontrabida ang ginagampanan niyang role.

Pero aminado siya na hindi na niya kayang gawin ang mga maiinit at matitinding sex scenes na ginagawa niya noong kabataan niya sa mga pelikula.

Kaya naman sa virtual mediacon ng comeback movie niyang “Mahjong Nights” sa Viva Films na isang sexy thriller ay natanong siya kung paano niya ito pinaghandaan at kung may limitations siyang hiniling bago gawin ang pelikula?

“Actually, yan ang unang sinabi sa akin, na kung mag-start ako ng new movie sa Viva, medyo sexy daw. So, sinabi ko naman na ’wag lang yung katulad ng dati na medyo daring kasi nga I think I’m too old enough for that.

“Kung pupuwede naman kasi yung ibang eksena gesture na lang. Wala na yung mga (todong love scene). Pwede siguro yung half naked, upper body na lang. Ganu’ng part yung nire-request ko lang,” pahayag ng aktor.

Pero kung talagang requirement o kailangan talaga sa eksena na maghubad at magpakita ng katawan ay kailangang paghandaan daw muna niya ito.

“Kapag nakapag-gym na ako, may maipagmalaki na akong katawan uli baka pupuwede,” natatawang chika ni Jay. 
“Basta’t hinihingi ng eksena, pero hangga’t maaari…ako naman kasi kaya kong i-adjust ang sarili ko. Depende kung ano yung hihingin ng eksena.

“Pero dapat bago maumpisahan yung project masabi na kaagad sa akin kung ano yung mga dapat gawin,” dagdag pang sey ni Jay.

Angeli Khang bibida sa ‘Mahjong Nights’; suportado ng ina sa pagpapa-sexy


Sa edad niyang 48 aminado siyang hindi na bagay na magpaseksi p maghubad siya sa movie kaya pwede na raw niyang ipamana ang pagiging “Totoy Mola” sa mga baguhang sexy actors.

“Ibibigay ko na lang sa mga gustong umupo, yung mga bagong sibol, na kailangan nating magbigay-daan para maipakita nila yung kanilang craft. Yung kanilang galing,” aniya.

At dito nga niya nabanggit na isa sa maaaring maging tagapagmana ng kanyang trono ay ang palaban at game na game sa paghuhubo’t hubad na si Sean de Guzman na isa sa mga co-stars niya sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer”.

Kasama rin niya ngayon ang aktor sa “Mahjong Nights” na launching movie naman ng sexy actress na si Angeli Khang sa Viva Films.

“Matured na ako, eh. Ibigay na natin sa mga sumisibol yan. Ibigay na natin sa kanila yang titulo na yan lalo na diyan kay Sean.

“Si Sean ang daming… may daring scenes yan. Yung ginawa niyan hindi ko kaya. Ha-haha! Iba yan,” kuwento ni Jay.

Samantala, nagpapasalamat din siya na mula sa pagpapa-sexy ay kinilala rin siya sa showbiz bilang aktor at nais daw niyang i-share sa mga baguhan tulad nina Sean at Angeli ang mga natutunan niya makalipas ang maraming taon sa larangan ng pag-arte.

“Ako, noong na-start din ako dati may mga nagbibigay ng guidance, mga guidelines, mga suggestions. Ina-absorb ko naman yung iba, pero kung alam kung makakatulong sa akin o hindi makakatulong sa akin tinitingnan ko muna.

“Kung ano yung naramdaman ko noong ako’y nag-i-start nung nakasama ko yung mga beterano ganu’n din ang isinusukli ko sa kanila. Nagbibigay din ako ng mga suggestions. Nagga-guide din ako. Umaalalay ako sa kanila.

“Kahit siguro noon pa man ganu’n na ako. Outside showbiz ganu’n ako, eh. Umaalalay ako sa lahat ng ginagawa ko para sa ikabubuti ng lahat,” lahad ni Jay Manalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Mahjong Nights” sa Vivamax simula sa Nov. 12 sa direksyon ni Law Fajardo. Kasama rin dito sina Mickey Ferriols, Arnel Ignacio, Maricel Morales at Jamilla Obispo.

Jay, Angeli, Sean walang arte-arte sa shooting ng ‘Mahjong Nights’, lahat palaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending