Catriona, Sam nagpakaligaya sa Rome, doon na rin kaya magpakasal sa 2024? | Bandera

Catriona, Sam nagpakaligaya sa Rome, doon na rin kaya magpakasal sa 2024?

Reggee Bonoan |September 17,2023
facebook
share this

Catriona, Sam nagpakaligaya sa Rome, doon na rin kaya magpakasal sa 2024?

Reggee Bonoan - September 17, 2023 - 05:33 PM

NASA Italy pa rin ang celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray at base sa mga larawang ipinost ng huli ay nililibot nila ang ilang cities sa nasabing bansa.

Kasama ang dalawa sa ginanap na “ASAP Natin ‘To” sa Milan, Italy nitong Setyembre 10 at ang ibang celebrities ay nag-extend bilang bakasyon natin pero karamihan ay bumalik na kaagad ng Pilipinas dahil may mga trabaho.

At dahil nasa Italy na ay pinasyalan nina Sam at Catriona ang capital ng bansa which is Rome, base sa mga larawang nasa Instagram account ng 2018 Miss Universe at youth ambassador and arts ambassador.

Ang caption ng dalaga sa mga larawan nila ng aktor, “Couldn’t help myself from coming back… Rome.

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

“21,500 steps later….at least it makes us feel good about all the pasta (pasta emoji) @samuelmilby. Honestly my favorite food in Rome. Hosteria Da Pietro,” aniya pa.

At siyempre hinanap din ng dalaga ang favorite store niya, “Exploring the city in the new @hm fall collection personalized this bow too from H&M with little pearls.”

Napunta naman sila ng Sorento town, “so friggin grateful to be exploring the Amalfi Coast with my panda @samuelmilby.”

Panda ang tawag ni Catriona sa kanyang fiancé.

May kuha ring nag-lunch sila sa seaside ng hotel nila sa Porta Marina at ang caption ni Cat, “Kain tayooooo.”

Kinunan din nito ang mga panindang gulay at fruits sa lugar, “Making it my goal for my life to be as vibrant as Italian tomatoes.”

Samantala, wala pa ring inilalabas na detalye tungkol sa nalalapit na kasal nina Sam at Catriona sa 2024 na gaganapin mismo sa Australia.

Hmmmm, hindi kaya mabago ang venue ng kasal ng dalawa ngayong na-explore nila ang magagandang lugar sa Italy bilang tinawag itong City of Love.

Anyway, pagbalik naman ng aktor ng bansa ay abala na siya sa shooting ng pelikula nila nina Jennylyn Mercado at Gerald Anderson na may titulong “All About My Wife.”

Related Chika:

Albert Martinez ‘apakagwapo’ pa rin kahit senior citizen na; ‘The Iron Heart’ ni Richard magsu-shooting sa Italy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#TeamPogi: ‘Jake, Richard, Ian, Albert… sila yung nagbabarilan, nagbubugbugan na bawal galusan ang fes at fresh na fresh always!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending