Catriona Gray, Sam Milby engaged na! | Bandera

Catriona Gray, Sam Milby engaged na!

Therese Arceo |February 16,2023
facebook
share this

Catriona Gray, Sam Milby engaged na!

Therese Arceo - February 16, 2023 - 05:53 PM

Catriona Gray, Sam Milby engaged na!

FINALLY ay engaged na ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa kanyang boyfriend na si Sam Milby.

Ito ay ni-reveal niya sa kanyang Instagram account ngayong araw, February 16.

“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee) ,” saad ni Catriona sa kanyang caption.

Kapansin-pansin sa larawang ibinandera ng beauty queen ang kanyang suot na engagement ring at ang nakasulat sa kanyang coffee na “future Mrs. Milby”.

Hindi naman nagpahuli si Sam at ibinahagi rin ang kaparehong larawan na may short pero ubod ng sweet na mensahe kay Catriona.

“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé,” saad ni Sam.

Makikita naman sa comment section na talagang masayang-masaya ang mga kaibigan nina Catriona at Sam sa bagong chapter na tatahakin nila nang magkasama.

“Omg!!! Congratulations @catriona_gray. Another crown from us @evapatalinjug I cannot! LOVELOVELOVE,” saad ni Samantha Bernardo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Comment naman ni Katarina Rodriguez, “Wahhhh congrats!! I remember talking about this at the Mega event. So happy for you both!”

Matatandaang kumalat noong Disyembre ang balitang engaged na ang dalawa dahil sa naging cryptic post noong nakaraang taon ni Catriona being “at her happiest” ngunit pinabulaanan ito ni Sam.

“Not true. Hindi pa kami kasal. Assumptions lang ng mga tao. I mean, we’ve discussed it pero hanggang doon lang muna. You guys will know naman if it happens. Hindi naming itatago,” pagbabahagi ng aktor.

At ngayon nga’y ibinandera na ni Catriona at Sam na engaged na sila at road to pagpapakasal na.

2020 nang kumpirmahin ng dalawa na sila’y magkasintahan nang mag-post si Sam ng isang polaroid photo nilang dalawa sa kanyang Instagram account.

Related Chika:
Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending