John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na... | Bandera

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Ervin Santiago |January 05,2023
facebook
share this

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Ervin Santiago - January 05, 2023 - 08:06 AM

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na...

Sam Milby at John Prats

KAHIT meron na siyang asawa’t mga anak, napapanatili pa rin ni John Prats ang friendship nila ng matalik na kaibigan na si Sam Milby.

Ayon sa actor-dancer at director, kahit hindi sila madalas nagkikita at nagkakasama ni Sam ay nagkakausap pa rin sila tungkol sa  personal na aspeto ng kanilang buhay, kabilang na riyan ang lovelife.

Super happy nga raw si John sa buhay pag-ibig ng kanyang BFF at wishing siya na sana’y pang-forever na rin ang relasyon nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Muling nagkasama ang mag-best friends sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN kung saan ipinagdiwang ni Pratty ang kanyang 30th anniversary sa showbiz.

Sinorpresa ni Sam sa studio ng naturang morning show ang actor-dancer para personal na bumati. Kasunod nito, binalikan ng dalawang Kapamilya star ang pagsisimula ng kanilang friendship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)


Sa isang bahagi ng probrama ay nasabi ni John na, “Kami naman walang hang-ups kasi siguro bilang lalaki lang din parang sobrang kung saan siya masaya. Lalo na siya ang pinakamatagal naging single.

“Nu’ng naging friends kami pareho kaming single. Parang nakakadalawang girlfriend na ako, siya wala pa rin,” sey pa ni John.

At nang matanong nga kung may kinalaman ba siya sa pagkakamabutihan nina Sam at Catriona, “Wala. Nabalitaan ko na lang.

“Pero sobrang happy ako, sobrang happy ako. Kasi same age kami ni Samuel. Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have three kids, so parang nakikita ko na, eh ang hilig niya sa bata.

“Ako my dream as a friend parang gusto ko na ma-experience niya ‘yung mag-settle. Nakikita ko na parang happy siya. Sana tuloy-tuloy,” ang wish ni Pratty kay Samuel.

Kung matatandaan, ibinandera nina Sam at Catriona ang kanilang relasyon sa madlang pipol noong May, 2020. Dalawang taon na silang magdyowa ngayon kaya ang palaging tanong sa kanila – kailan ba ang kasal?

Sa huling interview namin kay Sam sa presscon ng Beautederm kung saan kasama pa niya ang President at CEO nitong si Rhea Anicoche Tan ay sinabi niya na si Catriona na nga ang kanyang “the one.”

“I do believe so. I say I believe so because I wouldn’t be in this relationship if she’s not the one. I really do,” aniya.

Handa na ba siyang mag-propose kay Cat? “Hintay lang kayo and you will be surprised. Basta abangan n’yo po. I’m not getting any younger either. I’m turning 39 next year.”

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Sharon: Gusto kong maging part ng family nina Regine at Ogie!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending