Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa 'A Family Affair'? | Bandera

Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 11:26 AM

Ivana Alawi, Sam Milby at Catriona Gray

HANDANG isakripisyo ng Kapamilya actor-singer na si Sam Milby ang kanyang buhay sa ngalan ng pag-ibig at para sa taong pinakamamahal niya.

Yan ang diretsahang inamin ng binata nang mapag-usapan ang tungkol sa true love sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa bago niyang serye, ang “A Family Affair.”

Natanong si Sam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin pagdating sa usaping love, “Well, kung tunay na pagmamahal, hanggang sa kamatayan.

“If you truly love somebody, you’ll do everything and anything to fight. Especially as a man, you should be willing to give your life to the woman you love,” sagot ng boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa upcoming Kapamilya drama series na “A Family Affair” makakasama nga ni Sam sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Dito, magkakaroon ng intimate scenes sina Sam at Ivana kaya naman natanong din ang aktor kung hindi ito naging isyu sa relasyon nila ni Catriona. Wala bang selosang naganap nang gawin niya ang love scene with Ivana?

“We try to keep our relationship very private, and the one thing with her, naiintindihan niya.

“Kahit hindi siya actress, we had a few talks and she’s very, very understanding. I think that’s hard to find, you know, obviously with someone that’s not in the business.

“Just having that understanding na trabaho ko ito, and that the trust is there. Hindi siya selosa. I’m thankful that I have someone like that,” paliwanag ng hunk actor.

Samantala, nabanggit din ni Sam sa presscon na “intense” rin siya sa pagpaparamdam ng kanyang feelings sa karelasyon.

“I can probably be more (intense) sometimes sa umpisa. I guess you can look at it as a sprinter. My love language is gifts and acts of service. I can start off spending a lot on bigger gifts.

“I don’t have a build-up, no. Big gifts, go. I guess, I can do that at the start. It’s not a good pacing siguro para sa akin!” chika ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)


Sinagot din ni Sam kung ano ang pinakanakakalokang ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig, “There was a time na high school girlfriend, actually pumunta ako sa Pilipinas, and I had opportunities to start back in 2002.

“Instead of taking all those opportunities, I went back sa Ohio after one month kasi gusto ko siya.

“But ang problema, nu’ng bumalik ako, sinabi niya sa akin na may feelings na siya sa iba. My heart got broken from that,” kuwento ni Sam.

Napatunayan na rin daw ng binata na hindi talaga joke ang magmahal at makipagrelasyon, “One thing that I’ve learned getting older, one thing is love is a choice. I’m really realizing that over time.

“You have to have that conscious choice that, ‘Hey, I’m choosing you every day. Walang iba, ikaw ang pinipili ko.’

“It’s finding that person hindi lang yung swak kayo, it’s finding that person that’s willing to fight with you through everything.

“Because you’d find people you get along with and whatever, pero kung hindi siya willing na ipaglaban yung pagmamahal niyo, and still looking for other people, it’s obviously not gonna work out.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s really finding that person to be understanding, to communicate, to fight through everything and anything, and that will choose you every day,” tuluy-tuloy na pahayag ni Sam.

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending