Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan | Bandera

Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan

Ervin Santiago |February 23,2023
facebook
share this

Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan

Ervin Santiago - February 23, 2023 - 06:35 AM

Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan

Jopay Paguia at Joshua Zamora

MASALIMUOT at pang-“Magpakailanman” din pala ang makulay at madramang love story ng celebrity couple na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora.

Dalawang beses palang nagkahiwalay ang dalawa bago nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon hanggang sa tuluyang makabuo ng sarili nilang pamilya.

Kuwento ni Joshua na original member ng grupong The Manoeuvres, pagkatapos niyang mag-propose kay Jopay na miyembro naman ng SexBomb Dancers, ay bigla silang nagkahiwalay.

Naibahagi ito ng actor-dancer sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” nitong Lunes, February 20. Aniya, nag-propose siya sa mismong birthday ni Jopay noong 2009.

“Ang nangyari diyan, nag-propose na ako sa kaniya on that year, I believe it’s 2009, sa mismong kaarawan din ni Jopay,” simulang pagbabahagi ni Joshua kasabay ng pag-amin na hanggang proposal lang talaga ang balak niya noon.

“Iba pa ‘yung kultura ko noong panahon na ‘yon, na kapag nag-propose ka, okay na. Bigyan mo ng singsing. Pero pagdating doon sa setting a timeline for your wedding, wala ako noon.

“Basta nag-propose lang ako. Ang iniisip ko long term na engagement. Eh, iba pala ‘yung sa kultura niya,” lahad pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jopay Paguia-zamora (@jopaypaguiazamora)


Para naman kay Jopay, kapag nag-propose na ang lalaki, dapat ang kasunod noon ay kasalan na, pero hindi nga ganu’n ang nangyari sa kanila ni Joshua.

Katwiran ni Joshua, “Kasi galing ako sa isang marriage na nag-fail talaga. So for me parang it’s a traumatic experience na pumasok ulit ako sa ganoon, and I might end up gano’n na naman.

“‘Yun ang pumapasok sa utak ko kaya talagang ‘yung utak ko, buma-backout talaga eh kapag pinag-uusapan ‘yung ‘ikakasal na tayo sa ganitong date.’ Baka maulit lang,” ang punto ng dancer.

Kasunod nito, nagdesisyon silang maghiwalay muna. Sabi ni Joshua, “Kasi nag-decide ako sa sarili ko na it’s unfair naman na nag-propose ako tapos hindi ko tinuloy, might as well give us space for each other muna. Hindi nga kasi ako ready, sinasabi ko sa kaniya ‘yon.”

Paliwanag naman ni Jopay, “Ang sinabi niyang rason sa akin is, kunwari ipinilit na ikasal kami after one year, hindi siya ready, baka maghiwalay din kami. Baka mas lalo niyang masaktan ako.

“Ganoon ang explanation niya, sabi ko, okay na rin. Kaya nag-wait na lang ako,” sabi pa ng dating member ng SexBomb.

At makalipas ang ilang buwan, muling nanligaw si Joshua kay Jopay dahil napi-feel niya na lumalayo na ang aktres at dancer sa kanya.

“Naramdaman ko ‘yung nawawala na nga siya. Iba ‘yung naramdaman ko na mapupunta siya roon sa isang guy na hindi ko masyadong kilala, pero parang hindi ko masabi ‘yung future kung ano ang mangyayari sa relationship niya.

“Kapag iniisip ko, nagpa-flashback ‘yung mga pinagdaanan namin, ‘yung families namin magkakakilala na. Parang ang hirap bitawan lang ng mga ganu’ng memories,” paliwanag ni Johua.

Pero hindi pa rito nagtapos ang kuwento, nang magkabalikan sila ni Joshua ay si Jopay naman ang nakipag-break.

“Noong time na bumabalik siya bago pa ‘yung proposal at binibigay niya sa akin ‘yung singsing, nag-oo ako, so iyakan kami. Kinabukasan nakipag-break ako.

“Naramdaman ko kasi parang, iniisip ko kung nag-oo ako sa kaniya kasi baka nanghihinayang ako or naaawa ako sa kaniya. Kumbaga na-confuse na ako sa sarili ko, ‘mahal ko pa ba?’

“So I prayed na ‘Lord ibigay mo sa akin ‘yung sign. Kung siya talaga, ibalik Mo,’” pagbabalik-tanaw ni Jopay.

At nang muli silang magkausap nang masinsinan, sinabi ni Joshua na handa na siyang magpakasal. Ang reaksyon daw ni Jopay,  “Sabi ko ‘Hala, ‘di ba hiwalay tayo? Hindi pa nga tayo engaged, eh.’

“Kinuha niya ‘yung singsing sa kuwarto niya, binigay. Sabi ko, wala man lang pa-flashmob,” ang natawang biro ni Jopay.

“Noong naging kami, talagang nagkabalikan ng singsing. From there on, nagkaroon na kami ng timeline na ito na ang date na ikakasal,” pahayag ni Joshua.

Hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang married life nina Joshua at Jopay at biniyayaan din ng dalawang anak.

SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Kiray Celis binigyan ng singsing ng BF habang nasa Japan, engaged na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza dinenay na nag-propose na si Enrique: If I was engaged, I wouldn’t hide it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending