Kiray Celis binigyan ng singsing ng BF habang nasa Japan, engaged na nga ba? | Bandera

Kiray Celis binigyan ng singsing ng BF habang nasa Japan, engaged na nga ba?

Pauline del Rosario |February 06,2023
facebook
share this

Kiray Celis binigyan ng singsing ng BF habang nasa Japan, engaged na nga ba?

Pauline del Rosario - February 06, 2023 - 01:22 PM

Kiray Celis binigyan ng singsing ng BF habang nasa Japan, engaged na nga ba?

PHOTO: Facebook/Kiray Celis

NAG-PROPOSE na kaya sa actress-comedienne na si Kiray Celis ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia?

Nakakaloka naman kasi ang latest post ni Kiray na ipinapakita ang singsing na bigay ng kanyang boyfriend.

Sa Facebook, nag-post ang aktres ng ilang litrato na mala-wedding engagement ang peg.

Makikita pa na nakaluhod sa kanyang harap si Stephan at hawak-hawak ang isang box na may singsing habang nasa Disneyland Tokyo sa Japan.

Sa post, lubos na pinasalamatan ni Kiray ang kanyang boyfriend.

Ngunit nilinaw naman niya na isang “promise ring” ang ibinigay sa kanya at hindi pa sila engaged.

“The happiest girl in the happiest place on earth. Thank you for loving me Stephan! Salamat sa singsing! [crying face emoji],” caption niya.

Dagdag pa niya, “Btw, promise ring lang po ito. Wag ma-carried away [laughing face emoji]”

Maraming netizens naman ang napa-comment at sinabing deserve na maging happy ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Happy to see you happy! You deserve that. You guys deserve to be happy [red heart emoji]”

“I’m so happy for you Ms. Kiray [red heart emoji] Sana magkaroon kayo ng maraming anak heheh [happy face emoji] love you always Ms. Kiray [red heart emoji] more blessings to come!”

“You deserve it kiray..im happy for you..sana all nlng ako [sad face emoji]”

Matatandaan noong Setyembre, araw ng birthday ni Kiray ay niregaluhan siya ni Stephan ng mamahaling cellphone na iPhone 14 Pro Max.

Related chika:

Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#GameOver: Derek nag-propose na kay Ellen

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending