#GameOver: Derek nag-propose na kay Ellen Bandera

#GameOver: Derek nag-propose na kay Ellen

Ervin Santiago |March 30,2021
share this

#GameOver: Derek nag-propose na kay Ellen

Ervin Santiago - March 30, 2021 - 09:52 PM

SA wakas natagpuan na nga ni Derek Ramsay ang babaeng nais niyang pakasalan at makasama sa habangbuhay.

Nag-propose na ang Kapuso actor sa kanyang girlfriend na si Ellen Adarna makalipas lamang ang halos tatlong buwan nilang relasyon.

Ngayong Holy Tuesday, March 30, ibinandera ni Ellen ang mga litrato sa kanyang Instagram account na kuha nang yayain na siyang magpakasal ng hunk actor.

Isang maikling “Game over!” lang ang iniligay na caption ng aktres sa kanyang IG post.

Makikita sa isang photo si Derek na kunwari’y nalamutak ang mukha dahil sa kamay ni Ellen kung saan nakasuot nga sa daliri nito ang bigay niyang engagement ring na may malaki at kumikinang na diamond.

Sa isa namang picture kitang-kita ang pagkabigla ni Ellen pati na ang pag-iyak nito nang mag-propose na sa kanya si Derek.

Ibinahagi rin ni Ellen ang picture nila ng kanyang fiancé kung saan makikita sa background na nakasulat ang mga katagang “Will you marry me?”

May litrato rin ang newly-engaged couple kung saan magkayakap sila habang umiiyak ang dating sexy star. Sinundan pa ito ng kanilang photo kasama ang mga anak nilang sina Elias at Austin na nagmistulang family photo na nila.

Si Elias ay anak ni Ellen sa kanyang ex-partner na si John Lloyd Cruz habang si Austin naman ay anak ni Derek sa ex-wife niyang si Mary Christine Jolly.

Kung matatandaan, nagkakilala sina Derek at Ellen sa pa-dinner party ng aktor sa kanyang bahay noong Jan. 11, 2021. Opisyal na naging sila noong Feb. 4, 2021.

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at mga netizens. And as expected kung marami ang natuwa sa engagement ng celebrity couple may mga nangnega pa rin sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending