SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz? Bandera

SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Ervin Santiago |November 25,2021
share this

SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Ervin Santiago November 25, 2021 - 07:05 AM

Ronald Inovero at Aira Bermudez

MAY plano pala ang aktres at original member ng Sexbomb Girls na si Aira Bermudez-Inovero na tuluyan nang manirahan sa Australia.

Ito ang ichinika ng Kapuso character actress nang mag-guest sila ng kapwa Sexbomb Dancer na si Jopay Paguia-Zamora sa “The Boobay and Tekla Show” nitong nagdaang Linggo.

Dito nga naikuwento ng magkaibigan kung ano ang naging takbo ng buhay nila nang maging bahagi ng iconic group na SexBomb Girls na unang nakilala sa “Eat Bulaga”.

Aminado sina Aira at Jopay na talagang itinuturing nilang isa sa biggest achievement nila sa buhay ang maging member ng SexBomb dahil dito sila unang nakilala at sumikat.

Pero para kay Aira, ang isa raw sa pinakamasayang moment sa kanyang buhay ay nang ikinasal sila ng kanyang husband na si Ronald Inovero.

“Lagi kong sinasabi na ito ‘yung happiest na moment sa buhay ko kasi ikinasal ako tapos parang fairytale. At saka ‘yung naging asawa ko kasi first boyfriend ko,” ang chika ni Aira sa segment ng “TBATS” na “May Pa-Presscon.”

Kasunod nito, nabanggit nga niya ang tungkol sa plano nilang mag-asawa na mag-migrate sa Australia kaya tinanong siya ng “TBATS” host na si Boobay kung bakit naisip niyang iwan na ang Pilipinas at manirahan sa ibang bansa.

Tugon ni Aira, “Hindi naman sa tinatapos ko ‘yung career ko sa pagsasayaw, puwede ko pa naman i-continue ‘yan at pwede pa naman akong bumalik dito.

“Doon kasi naka-base ‘yung husband ko at saka ‘yung family niya sa Adelaide. Gusto ko na kasi magsimula ng family,” paliwanag ng dancer.

Samantala, isang bonggang “congratulatory greeting” naman ang ibinigay nina Boobay, Super Tekla at Mema Squad kay Jopay dahil nga nanganak muli ito sa second baby nila ni Joshua Zamora.

Tuwang-tuwa naman si Jopay sa sorpresa sa kanya ng “TBATS” kasabay ng pagpapakilala niya sa kanyang mga anak na sina Isabelle Alessa at Izabella Ariana.

Napapanood ang “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending