Pancit Heartthrob na si Keith Albert pasadong artista; may GF na

Pancit Heartthrob na si Keith Albert pasadong artista; may GF na

Ervin Santiago - September 19, 2024 - 12:40 AM

Pancit Heartthrob na si Keith Albert pasadong artista; may GF na

Keith Albert Acop at Raven Samantha Tud

HINDI imposibleng mapasok sa mundo ng showbiz ang viral “Pancit Heartthrob” na si Keith Albert Acop na sikat na sikat na rin ngayon sa social media.

Una kong napanood sa TikTok si Keith kung saan pinagkakaguluhan ang tinda niyang pancit canton at pancit bihon habang nakapuwesto sa isang lugar sa Tondo, Manila.

Halos lahat ng mga nakakakita sa kanya sa socmed at sa personal ay nagsasabing pwede siyang maging artista dahil sa kanyang itsura.

Inamin ng kanyang mga suki na hindi naman daw talaga ang pancit na tinda nito ang kanilang gustong mailman kundi type lang nilang makita si Keith sa personal dahil nga sa angkin nitong kagwapuhan.

Baka Bet Mo: Kit Thompson pansamantalang nakakulong dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni, Gabriela nagbigay suporta sa aktres

Pero in fairness, marami na ang nagpapatunay na hindi lang yummy ang tinda niyang pancit kundi murang-mura pa sa halagang P25. Hanggang sa mag-viral na nga siya sa social media at bansagang “Pancit Heartthrob” ng Tondo.


Nitong nagdaang Linggo, itinampok si Keith sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” at dito nga nalaman ng publiko na 20-anyos na ang binata at baby face lang kung titingnan.

“Minsan po kapag namamalengke ako, tinatawag akong ‘Pogi! Pogi! Punta ka rito, may discount ka!'” ang kuwento ni Keith sa tuwing makikita siya sa kanilang lugar.

Hindi rin daw anak ng foreigner si Keith tulad ng pagkakaalam ng netizens. Kahit daw mestiso siya ay Pinoy na Pinoy daw ang kanyang dugo at lahi.

“May nagsabi po na kamukha ko raw po ‘yung anak ni Ina Raymundo raw po. Masaya po kasi po kinukumpara ko sa mga artista po,” sey ng binata.

Produkto raw siya ng broken family at lumaki sa pangangalaga ng kanyang lola kaya sa murang edad ay natuto nang magbanat ng buto at dumiskarte sa buhay.

Bukod sa naging taga-serve ng ulam sa canteen noong Grade 10 ay nagbabantay din siya sa karinderya ng kanyang lola hanggang sa matutunan na nga niya ang recipe ng pansit nito.

Nang magkaroon ng konting puhunan ay  nagtayo si Keith ng sariling puweto sa Divisoria at doon sinimulan ang kanyang pansit business. Hanggang isang araw, may isang food vlogger ang nagtampok sa kanya na naging simula ng pagsikat ng kanyang negosyo.


Sa lahat naman ng nagtatanong kung single pa ba si Keith, sorry na lang guys dahil taken na siya. Katuwang ng binata sa kanyang negosyo ang girlfriend niyang si Raven Samantha Tud.

Schoolmate raw niya si Raven at sumasali noon sa mga pageant. Niligawan daw niya ang dalaga at naging sila. Inamin ng dalaga na inaatake rin siya ng selos sa tinatamasang kasikatan ni Keith.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Simula po nu’ng nag-viral po si Keith, medyo nagseselos po ako sa mga dumadayo-dayo kasi po minsan po ‘yung mga dumadayo ang kukulit na po,” sey ni Raven.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending